I am waiting for his wife
X

CHLOE'S INBOX

I am waiting for his wife

October 4, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---I-AM-WAITING-FOR-HIS-WIFE

    Hi DJ Chloe,

    I’m Ehdz, 36 years old and I want to share my story about my childhood friend at I need your advice after you read my stories. Meron akong childhood friend na since grade five (5) nililigawan ako hanggang nag highschool na ako pero para sa akin kaibigan at kalaro lang ang turing ko sa kanya, nag-aral na ako ng college sa Manila akala ko noon mawawala na ‘yung panliligaw niya pero may mga time na pinupuntahan ako sa school ko sinusundo ako at hinahatid sa boarding house ko. That time tinapat ko siya na hanggang friends lang talaga kami ‘yun din ‘yung time na dumistansya siya sa akin hanggang sa nagkaroon na ako ng boyfriend noon. Akala ko okay na sa kanya at naintindihan niya ako pero hindi pala. Lagi pa rin siyang nagpapapansin at pasulyap-sulyap kahit alam niyang nasa bahay namin ang boyfriend ko. Dumating ‘yung time na nagbreak na kami ng boyfriend ko at tuluyan na akong nakapag-asawa at age of 21 matagal kaming hindi nagkita ng childhood friend ko at nabalitaan ko na lang na nag-asawa na din siya, nagkaanak. Hanggang sa lumipas ang mahabang taon at nahiwalay na ‘ko sa asawa ko at may dalawa akong anak. Ngayon pumasok ang 2018 nang may narecieve akong message sa inbox ko na ganito, “Hi kamusta ka na?” Nagulat ako kasi si childhood friend ko. Nagtaka ako sa haba ng panahon, almost 15 years na wala kaming communication since nag-asawa ako. ‘Di na kami nagkita pero isang araw biglang nagparamdam ang sagot ko lang sa kanya, “Eto ok lang.” Hanggang sa hiningi niya ang contact number ko at tinawagan niya ako. Nalaman niya na hiwalay na ako at meron na akong mga anak at nalaman ko din na hiwalay na din siya sa asawa niya at meron na din siyang isang anak. Nagtanong agad ako, sino ang nakipaghiwalay. Ang sagot niya si girl daw dahil may other guy. So hindi na ako nagsalita until dumating ‘yung time na nag-uumpisa na naman siya dumalaw sa bahay at manligaw ulit. DJ Chloe, I need your advice hindi ko alam kung ano ang tadhana namin kung kami ba talaga na pinagtagpo muli o isa na namang hamon sa buhay ko?

    ‘Di ko alam kung dapat kaya ko na ba siyang tanggapin o hayaan na lang muna, DJ Chloe. Kasal siya sa asawa niya pero ako hindi, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa ngayon may mutual understanding kami pero gusto ko antayin ‘yung asawa niya na nasa Qatar para i-confirm na talagang hiwalay na sila.

    Hi Ehdz!

    ‘Yun ang maganda mong gawin, alamin mo ano ang totoo, hiwalay na nga ba o akala niya lang hiwalay sila.

    Dami na kasing na biktima ng ganyang statement.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.