CHLOE'S INBOX
He keeps on talking about his ex-girlfriend
October 8, 2018
-


Dear DJ Chloe,
How do you know if your partner is still into his ex? Kapag ba madalas niyang nababanggit, out of the blue, does it mean na hindi pa siya totally moved on from his ex? Kailangan ko bang intindihin o sabihin sa kanya na hindi ako masayang pinag-uusapan naming ang ex niya?
Thanks,
Cristy
Hi Cristy,
Inalam mo ba kung kelan lang sila nagkahiwalay? Kasi baka very recent lang eh rebound ang labas mo niyan. If madalas pa sa madalas ang palagiang pagbanggit niya sa ex niya tulad ng “d’yan kami madalas kumain” o ‘di kaya, “parehas kayo ng favorite food”, at kung ano-ano pa na patungkol sa ex na na i-inject niya sa convo niya mga three (3) to four (4) times a week. Malamang nga ‘di pa ‘yan moved-on. What you can do is to talk to him about it and tell him na you’re not comfortable about it. Pero ‘pagganun pa rin, pag-isipan mo if gusto mo pa ipagpatuloy. Kasi eventually, mapapagod at maririndi ka para kang laging nasa anino ng ex-girlfriend niya.
-
COMMENTS















