CHLOE'S INBOX
I don’t like what she’s doing but I can’t leave her because I love her
October 9, 2018
-


Hi DJ Chloe,
I am a listener of show your ever since. I want to seek for an advice. Meron po akong girlfriend na nakilala ko po sa isang chatting site and she’s pretty. Pero bago po ang lahat nagsimula sa amin may naging boyfriend rin po siya na nakilala niya po sa Facebook. Pero hindi raw po sila nagtagal. Nu’ng pumasok po ako sa buhay niya kakabreak lang nila ng boyfriend niya kaya raw po pumasok siya sa isang chatting site para makalimutan ang boyfriend niya. At dun nga raw po marami siya nakilala na nagkaroon po ng interes sa kanya at kasama na nga po ako dun. Sabi niya po, sa lahat ng nakilala niya ako lang raw po ang nagustuhan niya. S’yempre saya ko po kasi ako nakita niya.
Last March inamin niya po sa’kin na mahal pa rin po niya ex niya kaya iniwan niya po ako. Pinabayaan ko po siya na balikan ang ex niya. But after a few days nagtext po siya sabi niya miss raw niya ko at narealize niya na ako pala talaga na ‘yung mahal niya. Tinanggap ko po ulit siya pero hindi ko na po maibigay ung buong trust ko sa kanya. Then last June naghiwalay po ulit kami kasi po nu’ng pinahiram niya sa’kin Facebook account niya ang dami ko po nakita na ka-fling niya. Nasaktan po ako at nu’ng binalik ko na po sa kanya account niya. Nagpalit na po siya ng password at okay lang naman po ‘un sa’kin.
Nu’ng nagkahiwalay kami last June may nakilala po ako na iba at nu’ng nalaman niya po ‘yun nagalit po siya dahil sobrang mahal ko po ‘ung ex-girlfriend ko, iniwan ko po ‘yung isa. Alam ko pong hindi tama ginawa ko dun sa isa. At ngayon po kami na ulit ni ex, akala ko po okay na lahat kasi nu’ng naghiwalay kami in-entertain niya ulit ex-boyfriend niya at may naging boyfriend ulit siya. Ginawa niya po ‘yun bilang ganti sa ginawa ko. DJ Chloe, siya po ‘yung tipo ng tao na pinagpupuyatan lahat ng nakikilala niya online chat and call. Kahit po nasasakta ako, tinatanggap ko pa rin po siya kasi umaasa po ako na magbabago siya na iiwasan na niya makipag-usap ng magdamagan sa mga lalaki na nakakausap niya online. Pero hindi niya po magawa.
Sabi niya kahit naman raw po marami siya kinakausap na lalaki hanggang dun lang raw po ‘yun kasi po ako ang mahal niya. DJ Chloe, ayoko na po ng ginagawa niya pero hindi ko po siya magawang iwanan dahil sa sobrang mahal ko siya. Ano po ba tamang gawin? Sorry po masyadong mahaba. Thank you po and God bless. Please hide my identity.
A
Hi A!
So ang problema natin, masyadong ma-entertain si girlfriend? Alam mo hindi lang ikaw ang may problemang ganito. Ang dami kong nalalaman na kwento na kahit may mga asawa ng tao entertaining pa din sa iba. I mean, it’s one thing to be friendly, it’s another thing to be giving time and effort para mag-entertain ng iba. ‘Yung makikipagtext pa or chat and usually sa ganito nagsisimula ang mga problema. There is nothing you can do to change the behavior of your girlfriend, I think she is enjoying the attention. Kung nasasaktan ka, pwede ka naman magpahinga, ‘di ba? And then just figure it out if gusto mo ng ganyang klaseng babae na nakakapagpuyat makipag-usap sa iba and worse, nagiging kafling niya. Maliban sa sama ng loob, maari ka ring magkaroon ng sakit, think about it.
-
COMMENTS















