CHLOE'S INBOX
How to be a good wife to my husband?
October 15, 2018
-


Hi Ms. Chloe,
I badly need your help/advice on how to be a good wife to my husband right now. I just learned yesterday that my husband’s father has a debt of 25k and I’m in the middle of my thought na “gusto ko siya tulungan dahil tatay niya ‘yun” and “naiinis ako sa kanya, binalaan ko na siya dati na ‘wag hayaan umutang tatay n’ya.”
Last year, umuutang ‘yung tatay ng asawa ko ng 10k para puhunan daw sa pagtitinda, my husband’s father is 68 years old. Kahit may pera kami ay hindi ko pinayagan dahil alam ko na hindi ‘yun mababayaran. Nalaman ko din na nagbibigay naman ng pera yung mother-in-law ko (domestic helper from Taiwan), she’s is 48, at ‘yung sister-in-law ko sa kanya. Sinabi ko sa asawa ko hindi ako nagdadamot pero I’m saving all our money para sa future natin. May sariling money din ang baby namin coming from my parents monthly allowance at hindi ko ginagalaw ‘yun.
Tapos ngayon malalaman ko na tumigil na sa pagtitinda si tatay dahil ‘di na daw kaya ng katawan niya at may utang na 25k. Ang sama-sama po ng loob ko dahil naaawa po ako sa nanay ng asawa ko pati sa kapatid niya kaya nagdecide ako na makikihati kami sa utang. First born din po ako and I know my responsibility very well. Sa loob-loob ko, hindi mangyayare ‘to kung kinontrol nila si tatay dati. Panganay ang asawa ko may power siya to control his father pero lagi niya sinasabi na makulit at ‘di nakikinig. Binibigyan din naman siya ng pera pero nagawa pa din umutang sa lending. Kagabi halos ‘di po ako nakatulog, iniisip ko kung masamang asawa ba ako, kung inconsiderate ba ako. Naiiyak na lang po ako kasi ‘yung pinaghirapan ipunin ay mapupunta lang sa pagbabayad ng utang.
Ako po kasi ‘yung tao na sobrang against sa utang kung hindi naman life and death ang dahilan at pinipili lang po namin ‘yung pinapautang namin na may kasiguraduhan na babayaran kami. Naniniwala po kasi ako na nagdadala ng malas at hihilahin ako pababa ng mga taong utang ng utang na hindi marunong magbayad. Matulungin at maawain akong tao pero when it comes to money I handle it very wisely. To the point na ‘yung pagpapacheck up sa psychiatrist before ay hindi natuloy dahil mas gusto ko ibili ng gatas ng anak ko at necessities ‘yung perang pampacheckup. Paano po ba ako magiging mabuting asawa? Kagabi gusto ko ilabas ‘yung inis ko pero tumahimik na lang ako dahil alam ko pagod siya sa work. Inconsiderate po ba ako? Makasarili po ba ako dahil nagdadalawang isip ako sa pagtulong? Please help me organize my thoughts po. I badly need it po. Thank you.
Hi Ma’am,
Matanda na po si father-in-law, konting panahon na lang. Pagpasensyahan na lang siguro. Maglaan po kayo ng pera or savings na hindi basta-basta pwedeng mawithdraw. If you have kids, better to invest on certain products some credible insurance companies are offering, those that will give you fund values while investing. It’s best to talk to your husband about what you feel. And if you want to offer help, ‘yung kaya niyo lang at bukal sa kalooban niyo. May edad na si father-in-law, it would be very helpful also if you get him and your parents a health card. It’s a necessity nowadays. ‘Wag mo ring tipirin ang sarili mo, as you’ve said instead na magpacheck-up sa psychiatrist, tinabi mo na lang ang pera. Aanuhin ang naitabing pera kung may problema ka na, or may sakit ka na? Ganun talaga ‘pag nag-aasawa, hindi totoo na asawa mo lang pakikisamahan mo, may times pati pamilya, pakikisamahan mo rin.
-
COMMENTS















