I am in a relationship with someone who is also in a relationship
X

CHLOE'S INBOX

I am in a relationship with someone who is also in a relationship

October 16, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---I-AM-IN-A-RELATIONSHIP-WITH-SOMEONE-WHO-IS-ALSO-IN-A-RELATIONSHIP

    Please hide my identity, please po.

    Nagwo-work po ako sa isang agency then I met a guy na mas bata sakin ng 14 years. Nagwo-work po siya sa government kung saan madalas po akong pumunta. Then we exchanged numbers para po sa mga business deals namin then one time po nag-ask siya sa akin ng mga personal questions. In short po ‘di na siya related sa business.

    We keep texting each other kahit wala naman po kaming business na pag-uusapan. To make it short nagkaroon kami ng relasyon, then I found out po na may girlfriend siya na nasa abroad. Inamin naman niya sa’kin. Ngayon po umuwi na si girlfriend niya. Pero dahil palagi kaming nagkikita dahil sa mga nilalakad ko continue pa rin po ang communication namin at relasyon.

    Madalas kami magkasama kaysa sa girlfriend niya. Pero alam ko naman po na nag-aaksaya na lang ako ng panahon sa isang bagay na hindi magiging sa’kin kasi 14 years ang tanda ko sa kanya and my girlfriend pa siya na plan nila magpakasal bago bumalik ‘yung girlfriend niya abroad.

    Paano ko po sasabihin sa kanya nang hindi maapektuhan ang work namin at maging normal ang lahat? Nagtry na kasi ako makipagbreak sa kanya pero ayaw niya. Ayaw po nya. Naguguluhan na din po kasi ako. I need advice po, please. Hindi ko naman po masabing ginagamit niya lang ako kasi wala naman nangyayari sa’min madalas lang kami magdate at hanggang kiss lang kami. Ngayon lang ulit ako naging masaya after five (5) years. Pero sabi ng isip ko tama na dahil hindi naman kami para sa isa’t-isa. Call me Miss Piggy.

    Miss Piggy,

    Nagtry ka makipagbreak pero ayaw niya? So dahil ayaw niya, wala ka ng magagawa? ‘Di mo na gagawin ang tama? Eh ‘di ba ikaw ang nakakatanda? Hindi mo pa ba alam ano ang tamang gawin? You’ve stated all the reasons para hiwalayan siya, lalo na ang pinakaimportanteng rason, may girlfriend na at plano magpakasal. Eto ‘yung mga relasyon na parang kayo na parang hindi eh. Malabong usapan ‘yan. Kung ikaw gusto niyan pipiliin ka niyan. Pero kung okay lang sa’yo na sila ng girlfriend niya at kayo din, syempre ‘di ‘yan aayaw. ‘Pag ‘di pwede ‘yung isa andyan ka naman. Gulo, ‘di ba? Kaya ‘wag mo nang antayin magkagamitan pa kayo ng husto. Kung ikaw ang gusto nyan, iiwan niya ‘yung isa para maging “kayo”.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.