CHLOE'S INBOX
Is he still worth fighting for?
October 17, 2018
-


Hi, good PM!
Hingi lang po sana ako ng advice. I’m Marivic, meron po kaming problema ng hubby ko ngayon. May babae po siya at pangalawang beses na po namin itong pinag-awayan. Nito pong October 12 nahuli ko pong magkachat sila at nagkikita po sila. ‘Di ko alam kung tagasaan ang babae. Inaway ko po ang asawa ko at pinalayas ko siya dito sa bahay namin. ‘Di ko po alam kung tama po ba ang ginawa ko. Sobra pong affected ang dalawang anak ko. Hindi ko po alam kung mapapatawad ko pa po ang asawa ko. Nagtatalo po ang puso at isip ko. Sobrang mahal na mahal ko po ang asawa ko at ayokong masira ang pamilya ko. Ayokong maranasan ng mga anak ko ang mga naranasan ko. Galing po ako sa broken family at ayun po ang ayokong mangyari ngayon. Ngayon po ni text or chat wala po akong natatanggap sa asawa ko. Ano po ba ang dapat kong gawin? Kailangan ko na po bang isuko ang matagal na pagsasama namin or kung dapat ko pa po ba siyang ipaglaban? Maraming, maraming salamat po. God bless your show.
Hi Marivic,
Nasa babae daw ang ikaaayos ng pamilya. Babae daw ang nagdadala talaga at madalas nagsasakripisyo dahil sa mga anak at para sa mga anak. Mahal mo asawa mo, ‘di ba? Mahal na mahal sabi mo at ikaw naman ang asawa, edi ipaglaban mo. Kung gusto mo ng buo, ipaglaban mo, patawarin mo. Kung kaya mong mag-isa, kayo na lang ng mga anak mong mag-isa. Pero s’yempre, maapektuhan mga anak mo for sure. Hahanapin ang ama at maaring unang problema mo pa maliban sa pangungulila nila sa ama, eh suporta. Sa ngayon, antayin mong bumalik dahil pinalayas mo. Unless gusto mong hanapin at sunduin. Kaya ang lahat ng gagawin kailangan pag-isipan muna. ‘Pag puro emosyon, ‘di ka makakapag-isip ng tama at maayos. This may sound cliché but give your problems to God. Ask God to give you the wisdom to do what you need to do. Now more than ever, you need Him to bless you with strength and pray for your husband as well. Prayers move mountains, you know.
-
COMMENTS















