CHLOE'S INBOX
He is not helping himself
October 22, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Good morning and also to your avid listeners. ‘Di ko alam kung mapagbigyan mo ako ng napakaganda mong advice ngayon dahil alam kong maraming gaya kong nagneed ng advice mo. Kung mabigyan mo ako ng chance mai-post mo ito please, please hide my identity. Call me miss L.
Problema ko talaga asawa ko, DJ Chloe. Last year na-diagnose siya. He has a kind of disease. The polycystic kidney disease. Para akong binagsakan ng langit nu’ng sinabi ng doctor ‘yun sa akin dahil nga base on my research it’s genetic. May anak kami isa. Ayun, nagkanda utang kami DJ Chloe sa pagpapagamot. Ang dami niyang mga bawal lahat sinunod niya ‘yun. At isa na doon namanata ako na pagalingin siya (actually ikalawang beses na itong nangyari, first nu’ng highschool pa siya). Lahat ginawa ko sa kanya. Lahat ng paghihirap niya nandun ako. Mga check-up sinasamahan ko siya. Nito lang June okay na siya, wala na siyang nararamdaman hanggang nagbalik trabaho na siya. Napapansin ko nagbalik bisyo siya. Nakakainom at humahantong kami sa away at lagi niyang dahilan pakikisama lang daw. Nu’ng una okay lang ako hanggang may time talaga na lasing na talaga siya at napapadalas na. Hanggang nitong week lang sobra ang away namin hanggang umabot kami sa pananakit physically. Pinalayas niya ako sa kanila, DJ Chloe (nasa byenan ako). Ayun, lumayas ako kinabukasan dala ko anak namin na nag-aaral, umuwi ako sa mama ko. Nalungkot ako, DJ Chloe, kasi ‘di niya ako maintindihan. Para sa kanya naman sana ‘yun. apektado pag-aaral ng anak namin naawa ako. Ngayon, wala siyang text or call na iniisip ko magsorry siya. Mali ba ako, DJ Chloe na pagbawalan siya? Ano ba dapat kong gawin nahihirapan talaga ako. ‘Di niya kayang iwasan bisyo niya. Thank you in advance, DJ Chloe.
Hi Miss L,
Maswerte asawa mo sa’yo. Pero ‘di niya alam ‘yun. Sa panahon na may karamdaman ang isang tao, napakalaking bagay na meron siyang karamay. Kaya kung may asawa kayo o may partner na karamay niyo at a time na may pinagdaraanan kayo, eh maswerte kayo. Mahirap magkasakit na mag-isa. Ang hirap nga lang kapag ganyang pasaway eh. Tawag diyan perwisyo sa buhay. Gumaling lang ng konti eh balik bisyo na naman. Kaya nga raw nagkakasakit dahil meron kang maling nagawa sa katawan mo, maswerte ka kung macorrect ito, gumaling ka, kaya dapat pangalagaan mo. Eh sa case ng asawa mo, perwisyo eh. Hayaan mo na lang muna siya kasi may anak ka pa at kailangan ka ng anak niyo. Mas mahirap kung magkasakit ka dahil sa stress. Sustained stress can really make you sick, you know. Kaya hayaan mo siya and this time isipin at unahin mo muna ang sarili mo at anak mo. Matanda na asawa mo, alam niya na anong ginagawa niya at mangyayari sa kanya eventually sa katigasan ng ulo niya.
Pero kahit ganyan siya, continue praying for him, as I always say prayers can move mountains.
-
COMMENTS















