CHLOE'S INBOX
“Despite all his efforts, I still can’t help but doubt”
October 23, 2018
-


Dear DJ Chloe,
Una po sa lahat gusto kong batiin kayo at ang mga nakikinig ng isang magandang araw. Hihingi po sana ako ng payo dahil first time ko po na magkaroon ng LDR at alam ko po na marami sa nakikinig satin ngayon ay nasa parehong sitwasyon ko. Ako po ay 22 years old at may isang anak na babae sa past relationship ko. Nu’ng time na wala na kami ng ex ko, nakilala ko naman online ang 41 year-old na foreigner, single siya. I mean, no kids and never married. He is a nice and loving person na kahit small things pa ‘yan alam niyang mag-appreciate. Masasabi ko na he is such a dream man of many not only because of his looks but sa personality niya rin. We met last January at one (1) week ko siyang nakasama, nameet niya na rin family ko at tanggap na tanggap niya ‘yung one year-old na baby ko. Masasabi ko na his intention for me is pure and clean, hindi kasi sya tulad ng ibang tao na pag may name-meet online magre-request ng show on cam at hindi siya ganun. After meeting namin, nagdecide siya na i-petition ako sa US at on-going na ‘yung petition namin pero kahit na ganun na effort na effort na siya sa’kin hindi ko maiwasan na magduda minsan lalo na pagmatagal siyang hindi nakakapagreply sa mga texts ko. Lagi naman niyang sinsabi sakin na galit daw siya sa mga cheaters kaya hindi daw niya gagawin sa’kin na lokohin ako. Pero there are times talaga, DJ Chloe, na napaparanoid ako, na pakiramdam ko may ginagawa siyang iba kahit na wala naman akong proof. Pero siya naman hindi niya ako pinagdududahan ng ganun. Minsan nagagalit ako sa kanya for no reason. Madalas rin akong malungkot pagnakakachat ko siya. ‘Pag miss na miss ko syia minsan naiinis ako sa kanya o sa sarili ko. As in nababaliw na talaga ako, hahaha. Pero natatakot ako, DJ Chloe, kasi baka mamaya kakaduda ko iwan niya ako o magsawa siya sa’kin. Sana po mabigyan niyo ko ng tips para masurvive ko ‘yung nararamdaman ko. Thank you, DJ Chloe, and more power po sa inyong programa.
Hello there!
Alam mo, we can make all the plans in the world but if it’s not God’s plan for you, it won’t prosper. So, in all ways acknowledge Him and He will make your paths straight. In short, pray about it, pray for it. And ask God kung ito ba ang plano niya para sa’yo, na makapag-asawa ka ng foreigner? God will reveal His plans naman for you. And I believe if ‘yan ang gusto ng Panginoon paras sa’yo magiging magaan ang lahat. Since you are having gut feelings about this baka nga may dapat kang pag-alanganan. Don’t ignore your gut feelings. Try to dig deeper. I don’t know how you’re gonna do it, but you have to find a way. Kasi future mo ‘yan eh. You are going to be committing your future to a total stranger if I may say. Siguro kilalanin mo pang mabuti. Give it a little more time and allow the man to prove what he says he will do.
-
COMMENTS















