CHLOE'S INBOX
You just have to hustle harder now
October 29, 2018
-


Hi DJ Chloe,
If you’re reading this, salamat po for taking the time to read about my problem. I’m Gina, freshman po sa college, and I am writing because gulong-gulo na po ako. Sem-break po ngayon I should be enjoying pero namo-mroblema po ako kasi I am not sure kung makakapag-enroll pa po ako. Iginagapang po ako ng parents ko and hindi naman po kami mayaman, nagsisikap lang po talaga na mapagtapos ako. Pero nabalitaan kop o sa mga kaklase ko na magtataas daw po ng tuition ang school naman. Medyo malaki po ang itataas, sa computation ko po nasa 20k ang idadagdag niya ngayong sem na ito. Gusto ko pong makapagtapos pero naaawa na din po ako sa parents ko. Iniisip ko pong maghanap na lang muna ng trabaho para makapag-ipon at makatulong. Please tell me what to do. Minsan naiisip ko ang swerte ng ibang kaklase ko, wala silang ganitong problema.
Hi Gina!!
Nasa private school ka ba, hija? Maybe it’s high time you consider state universities? Maraming paraan para makapag-aral ka kung gugustuhin mo talaga. Pwede kang magworking student, magta-tyaga ka lang talaga na magtrabaho while working. You can apply for scholarships kung kaya mo naman. Or you can consider transferring to a state university kasi ang alam ko hindi ganun ka gastos sa mga state universities. Sayang naman, hija kung titigil ka, kailangan mo lang tulungan ang sarili mo at mga magulang mo. Lahat ng bagay nahahanapan ng paraan. Iwas muna sa barkada at pasyal at kung anong unnecessary expenses, practice delayed gratification and fix your eyes on your goal and that’s to find a job and finish school. Kaya mo ‘yan.
-
COMMENTS















