CHLOE'S INBOX
When the boss is a credit grabber…
November 15, 2018
-


Dear DJ Chloe,
Mapabahay man, lalo na sa office, Easy Rock lang station namin. Kayo lang talaga nakakawala ng stress sa mga trabahanteng tulad ko na halos sa opisina na umiikot ang buhay. Stress, ‘yan ang dahilan why I thought of dropping you a message. Dahil sa boss kong nakakastress! Hindi ko na iisa-isahin pa kung bakit pero merong isang bagay o ugali na talagang nakakainis sa kanya. Credit grabber siya. Bakit nga ba may mga ganyang tao? Utos ng utos, pag okay ang ginawa mo, ‘di ka man lang bigyan ng credit na ikaw ang trumabaho, pero pagpalpak, ikaw ang ituturo sa higher ups. Paano kaya nagiging boss ang mga ganitong tao? Anyway, salamat sa pakikinig, kaya ko pa naman pero nag-iisip na akong magresign. ‘Yun kaya ang tamang gawin?
Sherryl
Hi Sherryl,
They say never outshine the master. Kaya hayaan mo na siyang maging ganyan, at the end of the day, lahat naman ng ginagawa mo o tinatrabaho mo eh learnings para sa’yo para mas lalong ma hone ang skills mo. Hayaan mo na kung ‘di sa’yo ang credit, akala mo lang hindi alam ng higher ups ‘yan pero for all you know, alam nila what’s really happening. Resign only if meron ka ng ibang sure na pupuntahan and be sure as well na mas better sa kung anong work meron ka ngayon. Ang daming walang trabaho, at kahit saang kumpanya may pulitika. Just focus on your work. Do it right and always be by the book and you’ll never go wrong.
-
COMMENTS















