Let your absence be felt
X

CHLOE'S INBOX

Let your absence be felt

December 4, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---LET-YOUR-ABSENCE-BE-FELT

    Dear DJ Chloe,

    I hope mai-post niyo ‘to kasi I may need the opinion of others. I’m a mother of two with a partner na hindi kasal. I’d like to think na maswerte ako for having a partner na responsable, maasikaso at very loving na ama sa mga anak niya. Okay na sana, kaya lang sobrang higpit. Ang daming patakaran sa buhay (at sa bahay) na dapat masunod. Kapag hindi masunod, ilang araw kayong ‘di mag-uusap, napakamainitin ang ulo, bugnutin to the max, daig pa babaeng lingo-linggo kung datnan. Ang toxic na, nakakastress. Seven (7) years na rin kaming nagsasama, bata pa mga anak namin. Tumagal kami ng pinaiiral ko lang talaga ang pagbibigay, pagpapasensya, pag-iintindi. Kung kayang sumunod na lang at tanggapin, para walang gulo. In good faith naman ‘yung higpit niya, mabuti ang intensyon. At in fairness, nakikita kong lumalaki mga anak ko na disiplinado at masunuring mga bata. Kaya lang unti-unti prang malungkot na, hindi na masaya. Masyadong controlled ang mga kilos at galaw namin and pansin ko may effect na sa personality ng mga anak ko. Nagsasabi naman ako sa kanya, nag-aaway kami tapos kapagmalamig na ulo parehas, bati na. Pero ganon pa rin. Paulit-ulit lang kami. Ngayon, nag-away kami ulit. Two (2) weeks na hindi kami nag-uusap. Dun siya sa kabilang kwarto natutulog. This time, I want to be firm. Kung magkakaayos kami, gusto ko may pagbabago na khit papano. Napapagod na kasi talaga ako. Nandito na nga ako sa point na parang suko na ‘ko, tanggap ko na talagang ito kapalaran ko. Kaya ko naman/kakayanin ko, alam ko naman ‘di niya kami pababayaan financially. Kesa naman patuloy akong magtiis sa isang relasyong nakakastress/toxic. But not until makita ko na naaapektuhan mga anak ko especially mga babae sila, they need kalingang tatay na ‘di ko maibibigay. Naaawa ako sa mga anak ko at kahit sa kanya naawa ako. Dama ko na gusto niyang magspend ng time sa mga anak namin pro ‘di niya magawa kasi palaging mga nakadikit sa’kin. I tried talking to him. Sabi ko let’s compromise, pero ayaw niya eh. Gusto niya talaga kung ano siya, ‘yun siya. Anong gagawin ko? Hindi naman pwedeng sunod lang ako ng sunod at tanggap ng tanggap. Kapag nag-aaway pa kami at galit siya, minumura niya ‘ko, nakakatanggap ako ng masasakit na salita. Nakakapanliit, pero I know my worth naman. He can say anything he wants to say, hindi ako naaapektuhan. Naaawa lang ako sa kanya dahil alam kong mahal niya ang mga anak ko at ganon din ang mga anak ko. Pero talagang naiistress na ‘ko, minsan nga trauma na eh. Ang hirap nu’ng palagi ka na lang takot magkamali. Maliit na bagay na ‘di ko nagawa ng tama or sinabi ko na hindi niya nagustuhan, mainit na kagad ulo niya. Ang hirap ‘yung deep inside you parang masaya dahil malaya ka na, ‘di kan a takot sa mga ikikilos mo, magagawa mo na ‘yung gusto mo pero malungkot kasi dama mo na may kulang. At ‘yun ay ang padre de pamilya sa bahay, katuwang sa pagpapalaki ng mga bata at kalingang ama sa mga anak mo at syempre aaminin ko mahal ko siya. Galing ako sa broken family, I know exactly how it feels na lumaki ng hindi buo. That’s one thing na ayokong maranasan ng mga anak ko. Pero anong gagawin ko? Tiis na lang, tanggap na lang lagi? Ang hirap nu’ng ganto. Dapat ba ‘kong matakot kapag nagtuloy-tuloy na ‘to hiwalayan ‘yung case namin o stay firm, kung gusto niya umalis, let him be. Thanks in advance. More power to you and to Easy Rock!

    Sincerely, B

    Hi Miss B!

    Malamang nakakastress nga ng sobra kasi umabot ka na sa inbox ko.

    Sa pagkakaintindi ko, base sa sulat mo, control freak ang kalive-in mo. Ganun talaga eh, we cannot have it all. Merong hindi control freak, pabaya naman, siya hindi naman pabaya kamo,  ‘di ba? Responsable din, kaso, mahirap din ‘yung araw-araw na lang kayo ng mga anak mo eh parang walking on egg shells. I am so sure you have tried your best already to get your message across, na magcompromise kayo. Now if he really loves you and ayaw niya na masira kayo he should at least change, kahit konti man lang. Mahirap kasi sarado siya eh, nakapadlock, gusto niya kung ano siya, ‘yun na siya. I remember, nabasa ko before, sabi ni Dolly Parton, she’s a Hollywood actress… ‘pag ‘di niya daw kaya or talagang galit na siya nagbabalot siya and she leaves. She’s gone for a while. Sana ‘di umabot sa ganun, pero minsan, if we want a person to realize our worth, give them the gift of your absence.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.