CHLOE'S INBOX
It’s always best to know your priorities
January 14, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Kailangan ko po ng tulong niyo. Tago niyo na lang po ako sa pangalan na Aiza, 29 years old. May dalwang anak at hiwalay sa asawa for almost two (2) years na po. Dahil po sa pananakit niya sa’kin at pagbibisyo ay napagdesisyonan ko na maghiwalay na lang kami at kunin ang mga anak ko. Nagwork po ako bilang sales lady sa isang kilala na mall para maitaguyod ang mga anak ko. Mama ko po nagbabantay sa mga anak ko. Ngayon po may nakilala ako na partner, katrabaho ko po siya, isa po siyang lesbian. Nine (9) months na po kami nagsasama ngayon. Okay naman po siyang kapartner pero ramdam ko po na hindi niya tanggap ang mga anak ko. Na hindi siya oayk na tumira ang mga anak ko kasama namin sa bahay. Naaasahan naman po ang panganay kong anak sa gawaing bahay kaya po para sa akin hindi sila pabigat at may work naman po ako. Tinanong ko siya one time about dito pero sinabi niya na tanggap niya kami. Pero ramdam ko pa rin sa araw-araw na hindi siya masaya kasama ang mga anak ko. Isa ko pa pong problema is against po ang parents at mga kapatid ko sa relasyon namin. Kaya po hindi kami ayos ngayon ng family ko. Pero wala po akong magawa, mahal ko po ‘yung kinakasama ko dahil lesbian pa siya. Pero nahahati po ako dahil ayaw po sa kanya ng family ko at ramdam ko rin na ayaw niya sa mga anak ko. Ano pong gagawin ko? Naguguluhan na po ako kung ano ang gagawin ko at pipiliin ko. Thanks in advance po and more power.
Hi Aiza,
Mahirap ang sitwasyon na pinasok mo, pinapakisama mo mga anak mo sa kinakasama mo, pinakapakisam mo din ang kinakasama mo sa mga anak mo.Isa pa, medyo hindi ideal ang set up niyo, yes, we are all for equality pero kailangan din nating intindihin na sa iba, hindi pa ganun kaopen ang ganitong sitwasyon.
Kung iyan talaga ang gusto mo, then wala kang magagawa kundi hintayin ‘yung time na matutunang tanggapin ng kinakasama mo ang mga anak mo, it might take time though pero hindi mo ito mapipilit talaga. Only time can tell.
Pero para sa akin, non-negotiable ang ganyan, ‘pag-ayaw sa mga anak ko, ayoko na din sa kanya. My children will always come first.
-
COMMENTS














