CHLOE'S INBOX
It’s the problem of another man
January 14, 2019
-


Dear DJ Chloe,
May teacher kasi ako ng highschool na naging friend ko na din kasi hindi malayo edad niya sa’min. Then nakatuluyan niya kasi ‘yung classmate namin na lalaki. May tatlo na po silang anak ngayon, kaso sa liit ng mundo ‘yung classmate ko na lalaki nasa iisang company lang kami ngayon. Nakikita ko siyang lagi niyang kasama ‘yung isang girl na katrabaho namin, halatang may something special between them. Then usap-usapan sa trabaho na sila ng dalawa kasi nakikita silang minsan nagkikiss sa elevator. Pareho ko silang friend. ‘Di ko po alam if sasabihin ko ba o iignore ko na lang, pero kawawa kasi ‘yung friend ko na teacher. Ano po kaya pwede gawin, DJ Chloe?
Ms.Friendly
Hi Ms. Friendly,
Mahirap mainvolve sa gusot ng mag-asawa. Gusto mo lang makatulong pero madalas, pero baka mapasama. Kaya mo bang sagutin ang mga anak niyan kapag nagkahiwalay ‘yan? At s’yempre tama ka naman, nakakaawa ‘yung kaibigan mo. Why not text your friend anonymously? Just tell her she needs to put her radar up, magsurprise visit kamo siya sa office niyo para lang maramdaman nu’ng isang babae ang presence niya.
Anonymous ha, kaya lang baka isipin niya pa rin ikaw ‘yun kasi ka-officemate mo nga. Invite mo pumasyal sa office niyo, p’wede ‘di ba? Mahuhuli din ‘yan, don’t worry.
Even if you feel sorry for your friend, understand that you are not part of their relationship, let them deal with it.


-
COMMENTS














