CHLOE'S INBOX
He left you not because you’re fat
January 15, 2019
-


Hi DJ Chloe,
First time ko pong sumulat sa inyo, and avid listener po ako ng Chloe’s inbox. Gusto ko lang po i-share ang aking heart-breaking story. Meron po akong manliligaw sa school. Sinimulan niya po akong ligawan through Facebook Messenger, hangang sa nagkikita na po kami palagi sa school, inaamin ko po mabilis akong na-fall sa kanya, bihira po kasi ako magkaroon ng manliligaw dahil na din po sa aking malusog na papangangatawan. Lagi din po kaming nagde-date, I’m always happy whenever I’m with him, lalo na po noong birthday ko sobra niya po akong napasaya. Nakakarinig ako ng usap-usapan galing sa mga friends ko na seryoso daw talaga siya sa akin, at hindi siya tumitingin sa pisikal na anyo, na siyempre lalo ko pong ikinatuwa. Pero isang araw hindi na siya nagparamdam at ‘yun ang pinagtataka ko, kahit sa school ‘di na din kami nagkikita. Isang araw nagchat siya sa akin, at doon ko nalaman na nagstop na pala siyang pumasok sa school, at ang pinakamasakit sa lahat nakipagbalikan na pala siya sa ex niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko that moment, wala akong ginawa kundi ang umiyak gabi-gabi. After two days nagulat ako at nagchat sa akin ang ex-girlfriend niya. Humihingi ito ng patawad dahil sa nangyari, at doon ko din nalaman na nagcool off lang sila at hindi pa tuluyang naghiwalay. Hangang ngayon ang bigat pa rin sa pakiramdam. Feeling ko tuloy wala ng seseryoso sa akin lalo na sa pangangatawan kong malusog. I hope you can give me advice to move forward. Thank you, DJ Chloe!
Love, Chubby Queen
Hi Chubby Queen!!
Let me make things clear for you, okay. Hindi na siya nagparamdam dahil nagkabalikan sila ng ex niya, at walang kinalaman ‘yun sa malusog na pangangatawan mo, okay? In fact, you should be happy, kahit mababa ang self-esteem mo because of your extra weight, eh someone took notice of you, ‘yun nga lang hindi pa pala nakamove-on si kuya. Hayaan mo na siya and if you feel na dahil sa chubby ka kaya wala kang masyadong manliligaw eh madali namang paraanan ‘yan, dear. Pwede naman muna tayong mag no-rice diet, ‘yan ang alam kong pinakamabilis na paraan para pumayat. Sabayan mo ng walking 45 minsutes a day at least four (4) times a week. Mataba din ako nu’n eh, ‘yan lang ginawa ko, hahaha! At ‘yan ang gagawin ko ulit ngayon, nagre-recover lang ako sa surgery ko last July. Ang katabaan o katawan nagagawan ng paraan, ang mukha hindi…so cheers!!! Taba lang ang problema natin, kayang solusyunan ‘yan. Tsaka ang alam ko, mas maraming lalaki mas gusto ang chubby. Mabuhay ang mga chubby!!!


-
COMMENTS














