What loneliness can do when you're far from home
X

CHLOE'S INBOX

What loneliness can do when you’re far from home

January 15, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHAT-LONELINESS-CAN-DO-WHEN-YOU'RE-FAR-AWAY-FROM-HOME2

    Hi DJ Chloe!

    Sana po matulungan niyo ako. Please hide my identity. Just call me Jona, I am an OFW and currently working here in Hong Kong as a domestic helper. I’ve been working here for almost 6 years now. I’m married with two (2) beautiful children. Asawa ko po ang nag-aalaga sa mga anak ko sa Pilipinas. Isa nga po pala akong anak sa labas ng aking tatay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap kahit na may pamilya na ‘ko. Galit po ako sa tatay ko. Kahit sino naman po na tao ay ayaw ng may kahati. Lumaki po ako na binibisita lang ng tatay ko dahil sa unang pamilya niya talaga siya umuuwi. Ngayon po may problema po ako. May nakilala po ako na kapwa Pinoy dito sa Hong Kong na mas bata sa akin at binata pa, mabait po siya sa akin at maalalahanin. Kaya po tuluyan na nga pong nahulog ang loob ko sa kanya. Two (2) years na po kaming mag-on. Alam niya na may anak ako at tanggap naman daw niya dahil mahal daw niya ko. Ang problema ko po ay hindi niya alam na may asawa ko. Ang alam niya ay hiwalay na kami. Tinago ko po sa kanya sa takot ko na hiwalayan niya ‘ko, sobrang mahal ko siya, DJ Chloe. Ang pangalawa ko pong problema ay ayokong masira ang pamilya ko sa Pilipinas. Mahal ko ang mga anak ko at sa tuwing nakaka-video call ko ang aking asawa, naaawa ako sa panloloko na ginagawa ko sa kanya, naiisip ko na mahal ko pa rin siya at ‘di ko siya kayang iwanan. Pero nahahati po ako sa dalawa, malayo po siya sa akin. Kaya ‘yung pangungulila ko sa pagmamahal ko sa asawa ko sa Pilipinas ay napupunan ng boyfriend ko ngayon dito sa Hong Kong. DJ Chloe, ano pong gagawin ko? Naging katulad ko n arin po ang tatay ko na labis kong kinamumuhian. Sana po matulungan niyo ‘ko.

    Jona

    Hi Jona!!

    I have a some OFW friends and one thing na sinasabi nila sa akin na nagiging libangan ng mga OFW dyan, although hindi naman lahat dahil sa sobrang lungkot daw ay alak at ibang tao. Meaning, karelasyon. And I’m sorry to hear na you are in that situation. Napakahirap talagang mahiwalay sa pamilya, lalo’t nasa abroad ka pa. Kahit pa sabihin mong nalulungkot ka hindi pa rin nito kayang i-justify ang ginagawa mo. P’wede ka din sanang umuwi ng saglit sa pPinas kasi 2 hours lang yata ang byahe ng Hong Kong to Manila, kaya lang alam ko ring malaking factor ang pera. Ipapamasahe mo, ipapadala mo na lang, ‘di ba? Siguro naman Jona, in a short span of time nag-enjoy ka na, at kapalit ng pag-eenjoy na ‘yun eh sobrang guilt feelings na ibinibigay sa’yo. Baka naman p’wedeng itama mo na ang mali mo para na lang sa pamilya mo na sinasabi mong mahal mo at ayaw mong masira. Tao ka lang din, nagkakamali. At tao ka pa rin, kayang itama ang mali. Do it now and do it fast para makatulog ka ng mahimbing sa gabi. You know what they say, the best tranquilizer is a clear conscience.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.