CHLOE'S INBOX
Another man in another country
January 20, 2019
-


Good morning DJ Chloe,
Hingi lang po sana ako sa inyo ng advice. LDR po kami ng aking asawa, living together po kami. Sa loob po ng seven (7) months na nagkahiwalay kam,i ako nandito sa Manila siya nasa Japan ng mga panahon na ‘yun. Medyo naging magulo po ang aming relasyon. Magiging madalas ang aming mga pag-aaway. Kesyo nagseselos ako o naghihinala sa maraming mga bagay-bagay. Nagsimula po ang lahat ng nakakakasama niya po ang tinuturing niyang nanay-nanay. Dun po nagbago ang lahat. Napapansin ko po na hindi na siya ganun kacaring sa akin, nawala ‘yun concern niya at hindi na po siya nagkkwento ng mga nangyari sa kanya sa bawat araw. Dumalas po ang aming mga pagtatalo na umabot po sa pagbblock niya sa akin sa lahat ng accounts niya including sa number niya sa Japan. Nagwo-work po siya sa isang meat processing company. Kinakatwiran niya sa akin na pagod siya, ‘wag na muna kami mag-usap, ayaw niya ako kausap. Masakit po sa akin ‘yung mga pinapakita niya especially natuto siya magsinungaling. Minsan sinasabi niya na nasa bahay lang siya paghumihingi ako ng videocall or kahit pictures ayaw niya. Nalalaman ko nalang na lumabas pala siya, so nangyayari po ‘yun.
Hanggang sa every Sunday may tinatawag po na Filipino buffet. Lagi siya nandun. ‘Pag nandun po siya hindi ko po siya macontact. Sobra po ako nasstress pagganun. Always nag-aaway kami pagganun. Ayaw niya na nag-aask ako, nagagalit siya. Dun niya po nakilala ang lalake na ‘yun. Then dumating ‘yung time na malapit na siya umuwi naramdaman ko na hindi siya nasasabik. Tiniis ko ‘yun kahit sobrang sakit. May oras pa na nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at luha.
Fast forward, nakauwi na siya. Sinundo ko siya, nagprepare ako ng gusto niya kainin. After namin magdinner sa bahay binigay nyia sa akin ‘yung lumang phone niya. Dun ko nakita na may iba siya, mga pictures nila at ‘yung picture na natulog ‘yung lalake sa kwarto niya. Halos gumuho ang mundo ko, DJ Chloe. Hindi ko ma-explain ‘yung sakit at galit na nararamdaman ko ng mga oras na ‘yun. Hanggang sa umamin siya, sinabi niya na nahulog daw siya. Na hinayaan niya mahulog sarili niya dahil sa lagi kami nagtatalo. Mas pinipili niya kausap ‘yun at sinasabihan ng mga problem namin kesa kausapin niya ako. Sabi niya wala lang daw ‘yun. Nagkamali siya, tao lang siya, pero ginusto daw niya ‘yun lalake. Ang masakit po kasi is ‘yung umiiyak siya kasi nalulungkot siya na maiiwan niya ‘yun ang pakiramdam ko. Sinabi niya na mahal niya ako at mas pipiliin niya ako over dun sa guy. Nasa stage kami na inaayos ang lahat. Ang gusto niya mangyari is kalimutan ko na ang lahat. Ibaon ko na ‘yun sakit at galit which is ‘yun ang gusto ko gawin at nasa proseso ako nun. Aalis siya ulit, babalik ng Japan by March. Natatakot ako, DJ Chloe, na baka mabali niya ang mga pangako na binitawan niya. Ang sabi niya pagbalik daw niya ng Japan gagawin na daw namin ang tama para sa relasyon naming. Gusto ko hawakan ‘yung promise na ‘yun. Gusto ko ibigay sa kanya ang tiwala ko ulit. ‘Pagnagtatanong mga kaibigan namin kung bakit kami nag-away, ang lagi ko sinasabi ako ang nagkamali. Nagkaroon ako ng iba dahil ‘di baleng masama ang tingin sa akin ‘wag lang mawala respeto sa kanya. Sobra-sobra ko siyang mahal mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanya kesa sa galit ako sa kanya. May pain pero galit wala na, pinatawad ko siya dahil gusto ko maging maayos ulit kami. Worried lang ako na masaktan ulit. Baka hindi ko na kayanin pa, baka may magawa ako na hindi dapat. Mahal na mahal ko siya, siya lang ang buhay ko, pangarap ko hanggang sa pagtanda. Pasensya na po kung medyo mahaba. Salamat po.
Ano po ba mabilis na paraan para mawala na yun sakit sa puso ko yun pangamba. Gustong-gusto ko po mawala agad ang nararamdaman ko sakit. Mahal na mahal ko siya sobra.
Mr. R
Hi Mr. R!!
Mahirap talaga ang LDR, minsan nga kahit kasal pa kayo talagang papasukin ng problema at pagsubok ang relasyon niyo, kahit magkasama pa kayo dito. Ano pa kaya ang malayo sa bawat isa? Mahirap mag-usap, mahirap magkaintindihan.
Masakit talaga ang malaman mong niloko ka, pero nangyari na eh. And believe me, mas mahirap magtiwala kapag may lamat na.
Pero mahal mo eh, so bibigyan mo ng ‘sangkaterbang chance, at paulit-ulit kang maniniwala sa pangako.
Pero kuya, walang sigurado sa mundo kaya mahalin mo na lang siya kahit nasa malayo. ‘Wag kang magrely sa pangako dahil nga walang sigurado sa mundo.
Only time can heal wounds and only time can tell kung kayo nga hanggang sa huli.
What I can tell you is this, while she is away and working in Japan, try to keep yourself busy. Pilitin mong umasenso kasi baka one reason why she needs to work abroad is kailangan niya ng pera. If you have a talent in business magnegosyo ka para pag-umuwi siya may maipagmamalaki ka sa kanyana. Pwede niyong simulan, para ‘di na siya umalis.
Keep yourself busy, gawin mong inspirasyon ang sakit para umasenso sa buhay.
Baka naman kasi wala kang masyadong ginagawa kaya kahit nasa abroad siya panay ang pangungulit mo sa kanya sa video call. Hindi kayo kasal, malaya pa rin siyang makakapili kung sino ang gusto niya at anong klase bang lalaki talaga ang gusto niya.
Ang pag-abroad niya has probably opened her eyes to a lot of realities in life. Maraming nagsabi sa’kin, “magtravel ka, magbabago pananaw mo sa buhay” and in travelling marami ka ring makikilala.
Kaya kuya, pakabusy ka rin sa sarili mo, busy to the point na pag-uwi mo pagod ka na at matutulog ka na. Sometimes work is the best antidote for a broken heart.
-
COMMENTS














