CHLOE'S INBOX
When the ex is trying to go back in your life
January 22, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Itago niyo na lang po ako sa pangalang “bride”. 29 years old na po ako at single mom. Six (6) years old na po ang anak ko (lalaki). Sa ngayon po may karelasyon po ako at magta-talong taon na po kami. Kasama ko po siya sa trabaho at may magandang position sa kompanyang pinapasukan namin. May mga plano na po siya para sa akin at kasama na po ang anak ko doon. Pagpasok ng bagong taon, naging maayos ang komunikasyon namin ng tatay ng anak ko. Committed na rin po sya (same sex) matagal na din po sila). Gusto kong ipakita ‘yung bata kasi never pa po silang nagkita. Kilala siya ng anak ko dahil nakikita naman po niya ‘yun sa Facebook. Nagkakausap na rin po sila sa video call. Karapatan naman po niya ‘yun kahit never siyang nagsupport. Sinabi ko po ‘tong matter na ‘to sa boyfriend ko. Sa sagot palang niya, alam kong alangan na siya. “Ayos lang naman sa’kin, kaya lang kung gusto mong maging healthy ang relasyon natin iiwas ka sa ganyang bagay. Kaya nga ako pumasok sa isang relasyon kasi alam kong wala na.” Nauunawaan ko naman po siya. Nauunawaan naman po ng tatay niya ‘yung sitwasyon at mga pwedeng mangyari. Kaya pang balik na lang sa dati. ‘Di na siya tatawag o magtetext kasi pwede kaming masira ng boyfriend ko. Sinabi ko ‘yun sa anak ko. Sinabi ko sa kanya ‘yung mga pwedeng mangyari pagnagkita sila ng tatay niya. Kita ko sa mukha ng anak ko na malungkot siya at nasasaktan ako. Masaya na kasi siya na nakakausap niya na ang tatay niya at may masasabi na talaga siyang tatay niya. Sabi ng tatay niya ‘di naman daw siya bumabalik at nagpaparamdam para manggulo. Gusto lang daw niyang bumawi sa bata pati sa akin. Pero nilinaw ko naman po sa kanya na sa bata na lang siya bumawi dahil matagal na kming tapos. Sa bata na lang siya may pagkukulang. Ano po bang dapat kong gawin?
Hi Bride!!
Gets kita.‘Yan ang pinakamahirap sa lahat, ikaw ang naiipit.
Sa inyong apat, ang anak mo ang mag su-suffer talaga. ‘Yung tatay niya sanay na ‘yun, mawala man kayo o ‘di magparamdam wala na ‘yun sa kanya. Sa totoo lang dahil nakuha niya na kayong hindi intindihin. But your kid, your kid is a different story. Kaya nakakabwisit din isipin na nagparamdam pa ‘tong ungas mong ex, sorry ha, hahahaha!
Pero karapatan niya ‘yan eh, at karapatan lalo ng anak mo na makilala din ang tatay niya.But then again, it seems your past is about to disrupt your future.
May punto din ‘tong boyfriend mo ngayon. Nakakastress nga naman ‘yan sa part niya. Lalo kung medyo makitid siya mag-isip. Hungang din naman siya, alam nyang may anak ka at may ama ‘yun, tapos nag iinarte siya. Tapos na kayo, oo, pero may anak kayo at ‘di na mababago ‘yun. It’s for him to accept that, while the father is alive, the father will at any given time will always surface and make his presence felt sa buhay ng anak niya. Mukhang may konting immaturity ng boyfriend mo. Red flag ‘yan dear.So once and for all, make your boyfriend understand your situation, again and again. And explain to him also kung ano ang nararamdaman ng anak mo. Because your child’s feelings is the most important of all.
Gets kita, teh, may trabahong maganda si boyfriend, the future looks bright. Pero ‘pag ‘di mo napaintindi sa kanya ang sitwasyon mo at ‘di niya maintindihan it will f** up your future.
So it’s going to be a struggle on your part, but if you want this badly, you will work it out, and you will do it for the people you love. Your child and your boyfriend, of course. Hindi kasi p’wedeng si boyfriend mo lang at ang ego niya ang isipin mo, you also have to think of your child at ang feelings niya rin. Kahit engot ‘yung tatay niya, tatay niya ‘yun at willing naman bumawi. Tingnan mo rin kung magiging consistent, baka umpisa na naman lang din magaling. Mahirap ‘yan pero kakayanin mo ‘yan kung gusto mo talaga. Basta eto lang, ‘wag mong iasa ang buong buhay mo kay boyfriend, kahit asawa mo na siya. Tandaan mo, may anak ka at hindi niya anak ‘yan, gets? Lastly, do not forget at all to ask God what He thinks about your situation, actually, Siya dapat ang una sa lahat. Kaya magulo buhay natin kasi tatakbo lang tayo sa Kanya ‘pagmagulo na at magmamakaawang ayusin Niya para sa atin. If you sincerely and earnestly ask Him kung ano ang gusto niya para sa’yo, He will definitely let you know it. In fact, aayusin Niya ‘yan para sa’yo. So, pray about it, okay?
-
COMMENTS














