CHLOE'S INBOX
You’re not the only one struggling with you disease
January 23, 2019
-
DISCLAIMER: The content below may consist of ideas and subject matters suited only for adult audiences. Audience below 18 is advised to view this content under adult supervision.


Hi DJ Chloe,
Sobrang laki po ng problema ko at nakapasensitibo, sana po matulungan niyo ako. Pagpasensyahan niyo na po kung medyo mahaba itong sulat ko. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Harold, 29 years old. Magli-limang taon na po akong seaman. Ako rin po ang bread winner ng aming pamilya, ako lang po ang inaasahan sa amin. May girlfriend din po ako, Four (4) years na po kami at may plano na rin na magpakasal. Last December kaliwa’t kanan ang party na pinuntahan ko at ng aking mga kasamahan sa barko. Sa apat na bansa na binabaan namin, hindi ko na mabilang kung nakailang club, bar, at pub kami. Nandyan ang inuman at mga iba’t-ibang lahi ng babae. Opo, alam kong mali pero natukso ako at malayo sa mahal ko, kaya ko nagawa. Labis ko pong pinagsisisihan ang ginawa ko. December 21, umuwi ako ng Pilipinas upang dito magpasko. Masaya at okay naman ang lahat, nakasama ko ang pamilya ko at ang girlfriend ko na two (2) years ko ng ‘di nakikita. Masaya at maayos ang naging pasko ko dito sa Pinas pero kailangan ko na ulit magtrabaho. Bago ka ulit sumampa ng barko, kailangan mo muna magpa-medical, isa sa mga requirements para makaalis ka ulit. January 3 ako naka-schedule, chineck sa akin lahat, ‘yung heart ko, kidney, blood pressure, HIV Test at drug test, okay ang lahat, negative. Maliban sa resulta ng HIV Test. Nagpositive ako sa HIV Test, DJ Chloe. Hindi ko alam ang gagawin ko, para kong pinagsakluban ng langit at lupa, pati na rin ang mga pangarap ko para sa aking pamilya at girlfriend ay parang naglahong bula. Hindi po ako nakasampa ng barko. Hindi pa rin ito alam ng pamilya ko at girlfriend ko. Sa ngayon ang alam nila ay extended ang akin bakasyon dito sa Pilipinas. Bata pa po ako, wala pa masyadong ipon para sa amin ng pamilya ko. Sobra po akong nade-depress ngayon kakaisip kung ano ng gagawin ko sa buhay ko. Labis ko pong pinagsisisihan ang ginawa ko. DJ Chloe, sana po matulungan niyo ‘ko, kailan ko po kaya pwedeng aminin sa pamilya ko at girlfriend ko ang sitwasyon ko? Matatanggap po kaya nila ko? Mapapatawad po ba kaya nila ko? Ano pong sasabihin ko sa girlfriend ko? Ayoko po siyang mawala sa akin. Please tulungan mo ‘ko, DJ Chloe. Gulong-gulo na po ako. Sobrang natatakot at nanghihina po ako pag-iniisip ‘tong mga bagay na ‘to. Thanks, DJ Chloe and keep on inspiring your listeners.
Harold
Hi Harold! Pati ako namroblema sa’yo. But the only thing to do now is harapin ang totoo. You still have your family, and you start with them. Sila ang una mong sabihan, sa kanila mo unang ipaalam ang condition mo ngayon. Next step is to get or seek medical help. Find a doctor that will treat you or give you medical treatments, go to your family doctor first or a GP, or maybe you can also see an immunologist for this. It’s very important that you start seeking medical help. Ang mga HIV positive patients ngayon are given medications that they have to take religiously, so please do that. Your girlfriend… please, do let her know exactly what is happening and why it’s happening, and please be ready sa kung ano mang magiging desisyon niya after mong sabihin sa kanya. Hindi lang naman ang medical condition mo ang magiging issue sa kanya but your loyalty and faithfulness. So whatever she decides on doing, accept it and understand her. Above all, seek God’s hand in your situation, there is nothing comforting than knowing that no matter how messed up we are God is always there to accept us, and guide us and give us comfort. We only need to go back to Him and repent, no questions asked.
-
COMMENTS















