You are more than your depression
X

CHLOE'S INBOX

You are more than your depression

January 28, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---YOU-ARE-MORE-THAN-YOUR-DEPRESSION

    Dear DJ Chloe,

    Itago niyo na lang ako sa pangalan Cathy, 20 years old. Magtatapos ng kolehiyo ngayong taon. Gusto ko lang po ng payo tungkol sa problema ko, more like emotional problem po. Kasi nu’ng bata ako naghiwalay ‘yung mga magulang ko dahil sa pagiging abusive ng tatay ko sa amin at napilitan ‘yung nanay ko magwork sa abroad. Naiwan ako sa lolo ko at hindi maganda ang pagtrato niya sa’kin. Abusive din siya tulad ng tatay ko pero hindi nya ako pinabayaan. Nu’ng pagtungtong ko sa pagiging elementary, ako ‘yung target sa pangbu-bully dahil sa pag-eenglish ko. Sa tingin ng mga kaklase ko na mayabang ako pero ‘yung totoo takot ako sa lolo na ba ka pigilan ako sa pag-aaral. Tinuruan ako ni lolo mag-english hanggang sa paglaki ko. Tumuloy ito hanggang college ko ngayon. Ako ‘yung outcast sa classroom, hindi pa rin nag bago. Inisip ko na konting tiis matatapos din ako sa college, everything will be okay. Nagstart ako maglaslas at mag-overdose ng antibiotics nu’ng second year college ko dahil nagjo-joke ‘yung mga kaklase ko dahil sa accent ko. Napa-isip ako bakit ako palagi ‘yung odd one out. Sa bahay palala ng palala, ‘yung lolo ko palagi lasing at naninigarilyo kaya ako lang nasa bahay kasama niya, ako palagi ang biktima sa verbal abuse niya at minsan nagiging pisikal na ‘yung pananakit. Tinawag niya akong pangit, ako ang may kasalanan bakit naghiwalay si nanay at tatay at sabi niya mamatay na lang ako. Palagi ganito po ang senaryo. I tried to find my happy place but it seems I’m losing hope. Hindi na ‘ko naging positive sa buhay. Palagi ko iniisip na, wala akong kwenta, I’m just a burden to others, and when I die will someone miss me? Not even my mom will miss me because I’m just a waste of space. Ang bigat kasi ‘yung pakiramdam, feeling ko na hindi ako kabilang sa mundo na ito. Threee (3) days ago na emotional breakdown dahil narinig ko sa mga kaklase ko na topic na ayoko na marinig, ayoko po banggitin. Hirap kalimutan ‘yung lahat since nabuhay ako ng ganyan. Pinipigilan ko na huwag maglaslas pero ang hirap po. Inisip ko din na kahit nagtapos ako sa pag-aaral wala magbabago sa buhay ko. DJ Chloe, please po give me some advice to help me get through this. At sorry, po parang nagrant ako dito pero kailangan ko talaga ng payo. I feel like I’m losing my will to live.

     

    Hi Cathy,

    Mukhang mahaba-habang usapan ang dapat nating gawin because it seems hindi ganun kalinaw ang kwento mo. Maliban sa paghihiwalay ng parents mo gusto ko rin sanang maintindihan ang mga pinag-uugatan ng depression o problema mo. Pero syempre, ibabase ko na lang sa sulat mo ang sasabihin ko sa’yo, sana makatulong ako.

    Una, you are not a waste of space. God created you as you are and He loves you. Do you know God? Do you know that He loves you? If you don’t, He is waiting for you, get to know Him. Pangalawa, you clearly need help. Depression doesn’t just go away, and for a young child like you, you need to seek professional help. Can you at least talk to your guidance counselor in school about this? She/He might be able to help.

    Cathy, life is big battleground. May mga tao lang na lumaking hindi nagkaron ng problemang tulad mo, but one way or another they too will face trials and troubles in life. No one gets out of this life unscathed, we either experience them while were young, or when were grown up. We get them from people we love, people we even trust and people we meet in life. That is why it is very important that we know who God is in our life, because He will keep us sane. Practice na ‘yan, Cathy, kasi paglumabas ka na sa tunay na mundo mas marami pang magtatangkang manakit sa’yo at sa kalooban mo, at hindi pwedeng lahat ng sasabihin nila sa’yo papaniwalaan mo at hahayaan mong masaktan ang kalooban mo. Alam mo madalas nasasaktan tayo kasi naniniwala tayo eh, try mong ‘wag pansinin at ‘wag magpaapekto sa mga sinasabi sa’yo at pambubully sa’yo. Tibayan mo, Cathy, ang loob mo dahil ‘di pwedeng sa bawat bira ng iba sa’yo, sasaktan mo ang sarili mo. We can no longer undo the damage that’s been done in your childhood and in your past, but there’s still hope in the future. Dagdag ka ng konti pang tibay ng dibdib. And live one day at a time. Sino nagsabi sa’yo na walang magbabago pagnakapagtapos ka ng pag-aaral mo? Subukan mo munang magtapos, then subukan mo maghanap ng trabaho. Maraming mag babago. Marami kang makikilala, mag-iiba ang mga kaibigan mo, maaring maafford mo maghanap ng sarili mong tirahan kahit bed space or boarding house. And when that happens, you’ll realize walang permanente sa mundo. NO SITUATION IS FOREVER. In the meantime, hang on, finish school and keep praying. Don’t worry, you will get by.

    For now, try to learn the subtle art of not giving a F…..

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.