CHLOE'S INBOX
Concerns of a single parent
February 5, 2019
-


Hi DJ Chloe,
I need your advice again. ‘Yung sa anak ko po kasi single mother po ako. Six (6) years old na ang anak ko at sa tinagal-tagal ng panahon ngayon lang nagbibigay ng pera ‘yung tatay niya. Nu’ng bago magpasko binisita anak ko dito sa bahay tas nagbigay ng 1k. Sunod na pagpunta ay nu’ng bagong taon tapos nakita ko sa bulsa ng anak ko may 200 plus galing ata sa mga kamag-anak nu’ng tatay niya. Kanina lang, nagbigay ng 1500 pero kasi nagkachat kami sinabi ko sa kanya na hinika ‘yung bata at bumili kami ng gamot tapos magbigay naman siya. Nu’ng binigay niya ‘yung pera kanina sa anak ko inabot, tas sabi ng anak ko sa’kin, “mommy, pambaon ko daw sabi ni daddy.” Naappreciate ko naman ‘yun, DJ, s’yempre. Pero dapat ko ba siyang pasalamatan? Responsibilidad naman niya kasi ‘yun, ‘di ba kaya dapat lang na magbigay siya. Sabi niya sa’kin may work na siya nu’ng December lang kaya siguro nakakapagbigay na siya. Ang concern ko, sana tuloy-tuloy na ang pagsustento niya pati na rin pagbisita kasi hinahanap siya ng anak ko. Kahit naman noon pa, bumibisita siya dito, pero minsan three to four months ang interval. Last year nga six (6) months hindi nagpakita sa anak ko. Kung ‘di ko pa icha-chat eh, hindi bibisita dito. Ang problema ko din kasi DJ, hindi siya nakaapelyido sa tatay niya. Surname ko ang gamit niya. Sa birth certificate niya, N/A dun sa portion ng father. Nu’ng nanganak ako, actually, ilalagay ko naman dapat kaso sabi ni mama ‘wag na daw kasi wala naman siyang paramdam nu’ng nanganak ako. Hindi ko siya kasama kundi mga magulang ko ang kasama ko sa ospital. Nagta-trabaho po ako sa law firm. May free legal advice para sa’ming mga staff dun pero payo sa’kin ng mga officemate ko, wala pa naman daw trabaho so paano ko mare-require na magsustento. Last year pa ‘yun nu’ng balak ko na sana na kasuhan. So ngayong may work na siya, gusto ko magcommit na siya magbigay. Then advice naman uli sa’kin ng mga officemate ko na magdemand letter para matakot. Ang problema naman dun is ‘yung sa birth certificate nga, ano daw proof ko na inaako niyang anak niya ‘yung bata. So much better daw siguro na papirmahin ko siya ng affidavit of support kesa ‘yung approach na takutin thru demand letter. DJ, ano pong gagawin ko, i-aapelyido ko na ba sa tatay niya itong anak ko? Para mas may habol ako sa sustento? Or ‘yung affidavit muna para mas safe? Mahihirapan ba talaga anak ko kung surname ko ang gamit niya? Ang alam ko walang idea ‘yung daddy niya na wala siya sa birth certificate eh. Maraming salamat po. More power to you and God bless po.
Single Mom
Hi Single Mom!
The way I understood, you want to make sure that he gives support regularly, right? You said you work in a law firm, why not ask them what’s the best thing to do? What steps to make? It would be good sana talaga if acknowledged niya sa birth certificate ng bata na siya ang ama. Pero ang alam ko, even if the father is not signed sa birth certificate ng bata, you can always file for a case and there’s always DNA testing to back up your claim na siya ang ama even if he denies it, but of course it would be better if you wouldn’t get to that point. So anyway, why not ask him kung okay lang sa kanya iapeldyido ‘yung bata tutal siya naman ang ama. Pag pumayag eh di ok, ayusin mo ‘yung papers ng bata para maging magkaapeldyido sila pero ‘yun nga ba ang gusto mo? I believe it’s easy to file or ask for child support for as long as he has the capacity to give support, if he doesn’t have a job then I guess that would require him to find a job, because support will always depend on how much he is willing to give, or he can give. Half /half naman kasi diyan eh, you both will agree on a certain amount, even if you ask for 10,000 pesos monthly. Believe me it can go down to 500 pesos a month kung ‘yan lang ang kaya niyang ibigay. And on your part if you ask for 10,000 pesos a month you also need to prove na kaya niyan’ yan ibigay. But you know him better, ‘di ba? You know if kaya niya or hindi. Ang sustento madaling habulin basta sigurado ka na kanya ‘yan kasi nga may DNA naman. Bakit ‘di mo muna kausapin at sabihin sa kanya ang saloobin mo na gusto mo sana eh sumustento siya sa anak niya? Malay mo naman magbigay ng kusa? Try to talk to him muna about it, and try to get what you want for your kid sa maayos na pakikipag-usap. Ang demand letter at kaso ay huling baraha mo na dear, and you have to prepare for it. As to saying thank you because he gave a little something for the kid? YES, thank him. Kahit pa obligasyon niya ‘yan, still thank him for giving voluntarily. There is nothing wrong with saying thank you or thanking him for what he has done for his child, a little appreciation goes a long way. It might even motivate him to do and give more next time.
Above all, know that you’re not raising your child alone, if you’re raising him with God.
-
COMMENTS















