Enjoy the freedom!
X

CHLOE'S INBOX

Enjoy the freedom!

February 7, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---JUST-ENJOY-THE-FREEDOM

    Hi DJ Chloe,

    I am not sure if dito ba talaga mag me message for Chloe’s Inbox pero sana mabigyan mo po ako ng advice.

    Well I’m Ann, 28 years old and nine (9) years na pong single. Medyo ‘di po naging maganda ang naging past relationship ko sa first boyfriend ko kaya until now single pa rin po ako. Kahit two (2) years na naging kami ay naging toxic naman ang relationship namin dalawa so I decided na tapusin na. Naging mas masaya po ang takbo ng life ko start na naghiwalay kami. Nagfocus ako sa sarili ko, nakagraduate ng college and ngayon po ay nag ta-trabaho sa isang private company. Nae-enjoy ko din po ang pagiging single ko kahit madalas ako lang ang umaalis mag-isa. Marami po ako na discover sa sarili ko na ‘di maganda at maganda na kinatuwa ko naman.

    May mga manliligaw din naman po ako, DJ Chloe, kaso ‘di ko talaga sila feel, walang sparks, walang special ganun. May gusto din naman ako kaso hanggang crush lang po talaga at madalas naiisipan ko magboyfriend kaso pagnandyan ay nawawalan na po ako ng gana. Iniisip ko baka ‘di pa talaga time para magkaboyfriend ako. Kaso po ‘yung mga close friends / officemate ko until now iniisip na affected ako sa break up namin ng ex ko. Nagsasawa na rin po ako magdefend sa kanila na okay lang ako na single at ‘di ako pihikan. Lagi sinasabi ng mga barkada ko napakaarte ko daw sa lalaki at napag-iiwanan na ‘ko dahil sa kaartihan ko. Nasasaktan po ako pag sinasabihan ako ng ganun pero ‘di ko sinasabi sa kanila kasi baka sabihin defensive ako.

    Please help me naman po kasi may reunion na naman po kami at alam ko ako na naman center ng okrayan nila.

    Thank you in advance!

     

    Hi Ann!

    Well, you can’t keep explaining yourself over and over again and who cares, anyway?

    If you’re not up for a relationship yet, then don’t.

    The only thing your friends can do is to pressure you, it’s up to you if you’ll be pressured or ignore.

    If you’re happy staying single, then by all means enjoy it while it lasts!

    You are not under any obligation to enter into a relationship just to please people who will not even be there for you when everything turns sour.

    Enjoy your freedom, dear!

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.