CHLOE'S INBOX
Set your heart on what really matters
February 18, 2019
-


Hello po DJ Chloe,
Inaabangan ko po lagi ang Chloe’s Inbox. ‘Di po ito ang tunay kong account. May anak po ako at hiwalay na din sa live-in partner ko. Almost two (2) years na may babae po siya. Nu’ng one year po namin ‘di kami okay. Lately na lang po pumapayag din ako may mangyari sa’min hanggang ngayon tanggap ko naman na may iba na siya. Last year may nakachat po ako, classmate ko nu’ng high school. Nu’ng una okay naman kami lagi kami magkachat, ‘di pa po kami nagmeet tapos bigla siyang bula na nawala at kung kelan lang niya gusto mag-PM dun niya gagawin. Binlock ko na po siya ng ilang beses pero ‘di ko siya matiis ina-unblock ko rin kaya eto po gumawa ko ng ibang account. Dito lagi kami nakakapag-usap pero ‘di niya ‘ko kilala. Hiwalay din po siya sa asawa. Ang tawag po ng friends ko ay IMAGINARY ko lang siya. Nalilito na po ako, gusto ko na po siya layuan pero ‘di ko po siya matiis. Sana matulungan niyo po ako. Pasensya na po at mahaba ang sulat ko. Sana po mapili niyo ang sulat ko. Just call me Ms. A. Thank you so much and God bless always.
Hi Dear,
I am so confused with your story. You said you are now chatting with him always pero ‘di ka niya kilala? So, you created another account, you’re pretending to be someone else chatting with him? You’re desperate. Why? The fact he suddenly disappeared only means you were not able to keep him interested in you. Ikaw ang may problema dito, gusto mo siya, you can’t bring yourself to ignore him. Sabi mo gusto mo ng layuan, eh ba’t ka pa nagcreate ng isang account? Isa pa kung gusto mong layuan it’s so easy to do, ‘di pa nga kayo nagme-meet eh. You regulate your social media use, you put a leash on yourself dahil ikaw ang humahabol sa kanya talaga. He already decided to stay away from you eh, isn’t that clear enough? He is chatting with you but he doesn’t know na ikaw talaga ka-chat niya, so ‘di mo pa gets? Na libangan niya ‘yan, na baka hindi lang ikaw ang ka charingan niyan sa chat? My goodness. You have kids, right? Why not just focus on them for now? If you want a partner in life, ask God to give you one, and wait for that right person to come.
-
COMMENTS














