Decide now before things get worst
X

CHLOE'S INBOX

Decide now before things get worst

March 14, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---DECIDE-BEFORE-THINGS-GET-WORST

    Hi DJ Chloe,

    Just call me Ms. Dee, isang probinsyana na nagbabakasakaling magbago ang buhay dito sa syudad. Kailangan ko lang po ng advice about my situation ngayon. I’m a mother of two (2), isang CSR. Kasama ko ang partner ko at nakatira kami sa bahay ng uncle niya. Then ang partner ko po ang nag-aalaga ng mga anak namin and I’m proud of that, kasama na rin namin sa bahay ang ex-boyfriend ko. More than five (5) years kami ng ex ko. Nasa probinsya pa kami noon kaso nga lang after five (5) years naghiwalay din kami for unknown reason, walang formal closure basta na lang siyang umalis nu’n at wala na akong balita. After three (3) years naging kami na ng asawa ko na ngayon na first cousin niya then we decided na umalis na ng probinsya at magtrabaho dito sa Maynila. After six (6) years na pagstay dito nagkaroon na kami ng dalwang anak at nagstay na nga kami sa bahay ng uncle niya kasama ang father in-law ko. Until the day na nakiusap ang ex ko na kung pwede ba makituloy muna sa bahay since nag-aapply din siya. No choice ako kasi pumayag ang tito nila. Alam ng lahat ang love story naming tatlo kaya ako ang naninimbang. So dito na nga siya sa’min pero hindi ako komportable kasi ‘di kami nagpapansinan. Alam ng asawa ko ang sitwasyon namin kaya nahihiya ako. Though wala naman siya nababanggit every time na nag-uusap kami. Pero alam ko deep inside nasasaktan siya. Kaya nagdecide ako na kumuha na ng bahay sa Laguna para makapagseparate na kami. Kaso nga lang ayaw ng father in-law ko kasi malayo daw. Ayaw mawalay sa kanyang apo. ‘Di po kasi siya pwede sumama kasi nandito ang work niya sa Manila. Malayo kung sa Laguna siya titira. Same din po sa situation ko, nagusap-usap kami na lilipat na lang ako once nagmove ang mag-aama ko sa Laguna, kaso ayaw din nila magbedspace ako o magrent ng sarili ko na malapit sa workplace ko kasi hindi nga daw practical ‘yun kasi may bahay na din naman na pwede tirhan na walang bayad.

    Ano po ba ang mas magandang gawin? Pahide na lang po ng aking identity, thanks.

    Hi Miss Dee!

    Yeah, I know where you’re coming from. The thing is, hindi naiintindihan ng father in-law mo, kasi siguro ‘di naman siya nagmamalisya or iniisip niya wala na naman kayo.

    ‘Di rin naman ibig sabihin eh kaya mo gustong umalis dahil may nararamdaman ka pa sa ex mo. Your conscience and morals dictate na hindi dapat kayo magkakasama sa isang bahay, nakakaalangan nga naman ‘yun.

    You should talk to your husband, make it seem like kumuha ka ng bahay dahil gusto mong magsarili na kayo, and that’s actually the right thing to do.Sorry malulungkot si lolo pero ‘yun ang tamang gawin, ke may ex na nakitira o wala, kailangan niyong magsarili.

    Ngayon dahil bahay niyo ‘yun, wala ka ng magiging isipin that anytime the “ex” will come and just crash anytime he is in need of a place to crash. Not for anything else but just tell your husband na gusto mong magsarili na kayo.

    Si lolo ay pwedeng bumisita at magstay sa inyo during weekends if he misses the apo. Just my two cents. Hindi kasi magandang tingnan talaga eh.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.