CHLOE'S INBOX
Efforts will always count
April 2, 2019
-


Hi DJ Chloe,
I’m Eiram po. Isa po ako sa avid listeners niyo. Nagsend na po ako ng message sa inyo before regarding sa ex-boyfriend ko for 10 years na nagloko at nakabuntis ng iba. This time po iba naman po ang ishe-share ko. Sana matulungan niyo po ulit ako. After ng 10-year relationship ko po, early this year po nagkaron po ako ng bagong boyfriend. I’m 32 and he’s four (4) years older than me. Dating may ka-live-in and may isang anak. Tanggap ko naman ‘yung past niya. Lahat sa buhay niya. Hindi po kami madalas magkita. Twice, swerte na ‘yung thrice, a month. Minsan po napapaisip ako ng hindi maganda lalo na hindi kami madalas magkita. Siguro dahil na rin sa pinagdaanan ko kaya minsan na papraning ako. Kapag magkausap kami mostly sa chat pilit kong kinakalma ‘yung sarili ko na ‘wag siyang awayin ng dahil lang sa hinala ko. But tayo kasi mga babae is may instict. Minsan kapag nagagalit ako sa kanya napapakalma niya ‘ko at nararamdaman ko namang, somehow, mahal niya ‘ko. Pero may times din talaga na iba ang pakiramdam ko. Na feeling ko may something sa kanya na hindi ko ma-explain. Mabait siya kapag kasama ko. Palagi ko ngang sinasabi sa mga kaibigan ko he’s too good to be true. And recently lang, a few days ago, lang magkausap kami nagbibiruan, naglalambingan sa chat. Then biniro ko siya, okay lang na mag-inom, sumama sa barkada pero ‘wag lang mambababae. Then sabi, okay. Then sinagot kong “promise?“ Like lang ang sinagot niya. Then tinanong ko siya hindi mo ba kayang promise? And what he answered me, almost broke my heart again. Ayaw daw niyang mangako kasi baka mapako. Mali ba na humingi ako ng assurance na hindi niya ‘ko lolokohin? O mali ba na masaktan ako sa mga maliit na bagay tulad nito? Takot na ‘kong masaktan ulit. I’m doing my very best para ‘di na maulit ‘yung nangyari sa’kin before na maiwan at maloko ulit. Ano po bang gagawin ko? Sana po matulungan niyo po ulit ako. Thank you, DJ Chloe.
Hi Eiram,
You said you’re doing your very best para ‘di na maulit ‘yung nangyari sa’yong panloloko ng ex mo? Bakit, tingin mo ba kasalanan mo ‘yun? It wasn’t your fault, dear. Naloko ka kasi niloko ka niya. Now with this new one, kahit mag-oath taking ‘yan sa harap mo na nakataas ang kanang kamay kung matutukso ‘yan matutukso ‘yan sa iba. Walang assurance dahil tao lang ‘yan. Gusto mo ng maayos na lalaki? Ipanalangin mo at hingin mo sa Diyos. Then wait for it, and He will surely give you one. Lahat ng babae ‘yan ang fear, ang mambabae ang mga boyfriend or asawa nila. Kaya it’s important na God-given ang lalaking matatagpuan mo. Taka lang ako ha, bakit twice or thrice a month lang kayo magkita? LDR ba kayo? Kasi isa sa titingnan mo lagi eh ‘yung effort ng lalaki at ‘yung time na ibinibigay niya sa’yo. If a man is really into you, time and effort unang-unang ibibigay niyan sa’yo.
-
COMMENTS















