CHLOE'S INBOX
Your family is worth sacrificing for
April 11, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Listener ako ng Easy Rock since 2014. Nakaka-relax kasi ‘yung nga songs na pine-play niyo. Anyways, sumulat ako at umaasang makakahingi ng advice. My husband and I are married for five (5) years, we have one (1) kid. And another blessing in my tummy but we when we were together for 10yrs na. Since naging kami, twice ko na siya nahuling may iba and pinapatawad ko siya, umaasang magbabago siya. Smooth ang lahat pwera lang last month ng malaman kong may iba siyang kinalolokohan. Nabasa ko lahat sa dummy accounts niya na nabuksan ko out of curiosity. Ang masakit may nangyari na sa kanila. Tinanong ko siya at oo, umamin siya na na-fall siya. Btw, she’s six (6) years older than us. Sinabi niya titigilan na niya pero nahuli ko na naman na magkatext sila this April lang. Alam nila parehong pregnant ako pero still nagawa nila ‘yun. Dahilan ng mister ko is masyado daw akong harsh magsalita pero lahat ‘yun sinabi kong babaguhin ko basta tigilan niya ‘yung babae pero ‘di niya ginawa. Mahal daw ako ng mister ko at ang pamilya namin pero bakit ni hindi niya pa din matigilan ‘yung babae niya? Kinausap ko through phone call ‘yung girl, hindi ko inaway at ako nagmakaawang layuan ang mister ko. Tanong ko lang po kung worth it ba na kumapit ako sa pangako ng husband ko na magiging okay din kami? Buong sahod niya ako po humahawak wala akong masasabi about dun. Ang akin lang po naguguluhan ako, DJ Chloe. Kasi sabi niya pipilitin niyang kalimutan ‘yung girl, ‘wag lang kami umalis dahil mahal nya daw po ako. Nagdadalawang isip pa po ako kasi magkasama sila sa work at ngayon binago niya password niya sa phone para ‘di ko na ma-check. As much as possible ayoko po lumaki mga anak ko na broken family pero kung magstay naman ako na alam kong wala ng love parang mahirap naman sa araw-araw. Naguguluhan na po ako. Thank you in advance po. Sana mapansin niyo ang letter ko. Please hide my identity. More power and God bless po.
Hi Misis !
Ma’am, there are two things you can do… stay or leave.
Asawa mo kasi ‘yan, ma’am eh. So you have exerted all efforts to make your marriage work. Kung kailangang ipatawas, ipatawas mo na rin dahil baka kailangang matapalan din si sir ng mga dahon-dahon para matanggal ang higad sa katawan.
So yes, exert all efforts ma’am. Ikaw ang asawa, labas mo pangil mo ma’am.
Dinaan mo na sa pakiusap si babae, ‘di ba? Daanin mo kaya sa legal? Ireklamo mo sa opisina nila.Sometimes you have to bring out the worst in you para malaman ng asawa mo na ‘di ka nagbibiro. Hello, asawa ka niya may karapatan kang magwala dahil sa pambababae niya. Antayin mo pang magkasakit? Ang daming babae nagkakasakit ng cervical cancer dahil sa babaerong asawa, baka ‘di nyo po ‘yun alam.
Paulit-ulit si sir kasi patawad ka ng patawad.
Limasin mo, tama lang na nasa’yo ang buong sweldo at dapat pati ang extrang pera kasi ang lalaki ang daming naiisip gawin pag may pera, so limasin mo. At sa panlilimas mo, start saving and thinking for yourself dahil worst comes to worst ‘di ‘yan tumigil sa pambababae pwede mo ng gawin ang second move. Leave. And bring the kids with you, pero dapat handa ka kasi pwedeng ‘di ka habulin. So dapat handa ka. May dalawa kang anak, ‘di ka sure if magbibigay ‘yan ng tamang suporta so dapat may trabaho ka dahil dalawa anak mo eh. I’m sure ‘di, mo iiwan ‘yan sa kanya.
Ngayon kung ‘di mo kaya ang second option, eto ang last.
Stay. At panindigan mo na ikaw ang asawa, na kahit anong gawin ng isang babae eh uuwi at uuwi sa’yo. Ang daming ganyan ang ginagawa just to protect the kids and the assets and that’s not a bad thing. Kasi ‘pag natauhan na ang lalaki ‘pag mga 60 years old na siya at alagain na eh magpipirmi na ‘yan sa’yo.
Kaya mahirap ang maging babae, talagang nasa’yo ang ikakaayos ng pamilya mo.
A lot of families survive because someone made a sacrifice. By the way, have you tried praying for your husband? -
COMMENTS















