CHLOE'S INBOX
It takes one decision
April 26, 2019
-


We are six (6) years married but technically we live together almost nine (9) years now with my husband and we had a 9-year old daughter. Okay kami until now wala kami nagiging major problems. Until one day, two (2) years ago nagconfess ‘yung husband ko na “bisexual” siya. Okay! Nu’ng time na ‘yun parang gumuho ‘yung mundo ko na parang masisiraan ako ng bait. Hindi ko alam kung iiwan ko siya o mags-stay ako para sa anak namin. Wala akong mapagsabihan kasi ayoko naman masira siya sa mga common friends naming. Basta ayoko maging complicated kaya kinikimkim ko lang lahat. DJ Chloe, wala naman akong nakita at nababasa sa cellphone niya na may ka-affair siyang lalake or BI din. Maramramdaman naman natin ‘yun, ‘di ba and for the past two (2) years na umamin siya, ‘di naman niya kami iniwan ng anak ko wala naman nagbago. Sexual relationship namin is ‘di ko masabi pero para naging awkward ganon. Alam mo, DJ Chloe sinabi ko sa kanya last year na kaya ko naman siya tanggapin kung ano ‘yung pagkatao niya. Sabi ko may mga tropa ako and majority gays and bisexuals. Best friend ko is gay, siya pa kaya na asawa ko, ‘di ba? Let’s face it na nasa mundo tayo na kailangan mangibabaw ang acceptance, so in short natanggap ko siya, ganon. Pero sinabi ko sa kanya na tanggap ko ang pagkatao niya pero any sexual thing ng gays or bisexuals ‘yun ‘yung ‘di ko na kayang tanggapin. So once na gawin niya ‘yun, ‘yun na ‘yung end ng relationship namin. So, until now okay kami. Last month, may naging kaclose akong officemate ko na lalaki and alam ko na married siya, ganon din siya. Alam niya na taken na ‘ko. Basta chika-chikahan, ganon. Hanggang sa nagkapalagayan kami ng loob then we hooked up. In short, may nangyari sa’min and we had an arrangement na no strings attached. So okay lang naman sa akin. Dun ko narealize DJ Chloe na iba pala talaga ang hawak, yakap at halik ng “tunay” na lalaki. And para akong mababaliw, hinahanap-hanap ko ‘yung ganon. Alam kong mali, masama at ‘di katanggap-tanggap ‘yung ginawa ko. Pero I’m starving with that kind of sexual relationship na alam kong sa tunay na lalaki ko lang makukuha. What can you say po? Any advice po, please! If you want po p’wede niyo siyang i-share basta itago niyo na lang po yung real name ko. Gusto ko din po mabasa mga comment ng netizens. Hindi ko po kasi alam ang gagawin ko. And sobrang nagugulahan din ako.
Hi Ma’am!
I don’t really know what to say. ? But I’ll try my best. I don’t want to sound so righteous, ma’am pero hindi mo naman maitatama ang mali ng isa pang mali, ‘di ba?
Tapos, may sabit pa at sa office niyo pa. Ma’am naman, it will just start with something like no strings attached, before you know it, ginugulo ka na ng asawa niyan at isang malaking gulo na ang nagawa niyo. Matanda ka na po, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. If you want to be happy by being with someone who’s not half-baked, then free yourself from your marriage. In time, you will be able to find a man na talagang makakapagpasaya sa’yo. It’s the only way eh, and I don’t know if it’s a ground for annulment, discovering that your spouse is not who you believed he is. Lubayan niyo ma’am si officemate because it’s trouble waiting to happen. I understand hinahanap-hanap mo ang real deal, but wouldn’t it be better to free yourself from your marriage and then find someone na walang sabit? You are just one decision away from a better life. Gulo lang ‘yang pinapasok mo, ma’am eh. Just because your husband is a bisexal, doesn’t give you the right to cheat. It’s always best to be on a clean slate.
-
COMMENTS















