CHLOE'S INBOX
There’s always a need to adjust
May 15, 2019
-


Dear DJ Chloe,
Kumusta po kayo? Avid listener po ako ng Easy Rock at s’yempre ng Chloe’s Inbox. Adik na adik po ang mga kasamahan ko sa trabaho sa inbox mo, ako nama’y nakikinig lang. ‘Di ko alam na maliligaw din ako sa page mo DJ, na hahanapin ko ito sa Facebook para lang makasend ng private message sa inyo. Ako po si Dan at kaya po ako sumulat din ay para makahingi ng payo sa inyo. May nakilala po akong babae, maganda po siya, nagmomodel-model po siya, actually, sa mga bar. Halimbawa po mga promo ng alak, ganyan. May anak na po siya, single mother kumbaga. Nakilala ko po siya ng one time na lumabas kami ng tropa, at naging kaibigan ko pa. Naging magkachat ng madalas at magkatext. In short po, naging kami na. Okay naman relationship namin, tanggap ko naman ang anak niya. Although ‘di pa kami totally na nagsasama, minsan natutulog ako sa kanila at siya naman minsan natutulog sa bahay namin. Nastress lang ako lately DJ Chloe nang aksidenteng may nakita akong kachat niya na nagduda ako. Actually, medyo duda ako lagi sa kilos niya, lagi siyang may mga kausap sa phone niya, thru text and chat. By accident nasulyapan ko ang convo nila at nabigla ako sa nabasa ko, nanghina ako. Nag-uusap sila nu’ng guy regarding sa presyo at kung saang motel sila magkikita. In short po, pa-walk siya. Parang gumuho mundo ko, lalo’t mahal ko na siya, inamin niya po sa akin ang gawain niyang ‘yun at sinabi niya rin na medyo matagal na siya sa ganung kalakaran. Para daw po sa pamilya kaya nagagawa niya ‘yun. Ano pong gagawin ko? Kakalas na po ba ako? ‘Di ko po kaya maging praning araw-araw. Salamat po, DJ.
Dan
Hi Dan!!
Well it came from you already, ‘di mo kayang maging praning araw-araw! And that is what you will be if you stay with her. You know, if she has changed when it became the two of you, then I’d tell you to stay but she didn’t, ‘di ba? In fact, you caught her doing it or being in that “business” again. So, consider this. Think about how hard it is to change yourself, then you’ll understand how little chance you have in trying to change others. What I mean is, kung ikaw hirap ka baguhin sarili mo, tingin mo madali para sa’yo na baguhin siya? We don’t know why she’s really into that eh, is it because it’s easy money? Or is it because other than it’s easy money, she makes big bucks from doing that, or I don’t know maybe she likes it, too. Maraming factors. Maraming babae, Dan, baka nagagandahan ka lang at na seseksihan sa kanya. Beauty is a very cheap commodity because there are a lot of women everywhere na maganda. Health wise, mahirap din para sa’yo ‘yan, do I need to remind you na napakataas na ng HIV cases sa Pilipinas?
-
COMMENTS















