CHLOE'S INBOX
Forgive yourself, forgive others and start moving on
May 20, 2019
-


Lagi po ako nakikinig sa Easy Rock lalo na po sa time na kayo na mag on-air. I love your advices.
Tatanong ko lang po tungkol sa married life ko at mga anak namin. Hiwalay na po kami ng asawa ko almost nine (9) years na po. Dahilan po ng paghihiwalay namin is I cheated on my husband na ‘di ko po lubos maisip at biglang nangyari ‘yun sa akin. ‘Yung guy ay first boyfriend ko po at first love ko din po. After two (2) decades nameet niya ako thru Facebook. Dun po lahat nagbago at wala po ako sa sarili ko or isipan. Never naiinis sa mga tao kundi sarili ko lang ang naririnig ko, dun po nagstart ‘yung story bakit naghiwalay kami ng asawa ko. After less than a month, I tried na magkaayos kami ng asawa ko pero ‘di na po nangyari ‘yun dahil bigla ko po ng narealize na mali ‘yung ginawa ko at ‘di ko na kaagd naiisip mga anak namin kundi sarili ko lang. Hindi na kami o ‘di na ako natanggap ng asawa ko ulit dahil ‘yun pala nakahanap na kaagad siya ng kapalit ko. At ‘di niya po inamin kahit may mga nakita na akong evidence. At makalipas ang ilang taon up to this time na meron na pala silang anak na four (4) years old na ayon sa source ko po. Na ni minsan ‘di niya rin inamin sa akin na anak niya ‘yun at sabi lang niya baka sa iba, hindi niya anak ‘yun. Ngayon nandito po sa Pinas asawa ko kasama ‘yung mag-ina niya . Sa papel kasal pa kami, sa church at civil po. Paghinihingian ko siya ng pangdagdag man lang sa gastusin ko sa anak kong babae dahil nasa akin, dalawa pala anak namin ‘yung elder lalake nasa kanya nasa Singapore din sila nakatira. Ano po maganda gawin at ‘di ko po alam gagawin ko kung need ko po magfile ng case or ano maganda gawin. Inamin ko naman kasalanan ko lahat. Pero ngayon ilang taon na nakalipas ‘di na po ako nakipagmeet or contact doon sa ex-boyfriend ko, which ngayon bumalik siya sa family na niya at ako ang nawalan. Sana matulungan niyo ako.
Miss M
Hi Miss M,
If you made a mistake, then just be humble enough to acknowledge it, ‘wag na tayong makipagsabuyan pa ng putik sa asawa mo po. If he also had something hidden, eh siya naman ang mag dadala nu’n.
Forgive yourself enough so that you will be able to move on. Lahat tayo nagkakamali.
Now regarding your daughter na nasa’yo, bakit hindi niyo na lang po kayaning mag-isa na itaguyod siya? As you’ve said, naghati kayo sa dalawang anak niyo, sa batas naman eh talagang hati kayo bilang mag-asawa sa pag tataguyod ng mga anak nyo eh, combined income, combined efforts. Since you both decided na tag-isa kayo ng anak eh ‘di fair na ‘yun, itaguyod niya ‘yung isa, itaguyod mo rin ‘yung nasa poder mo. Ano po ba ang mahirap sa sitwasyon mo ngayon? Mahirap po ba ang magsikap para itaguyod ang isang anak na nasa’yo? Ang dami ko pong alam, apat, lima napapagtapos ng isang INA mag-isa, so bakit hindi niyo rin po gawin? It takes the same effort to ask and to work, ‘di ba? So kesa humingi ka sa kanya, magtrabhao ka na lang po ng wagas. Malilibang ka na, productive ka pa, mame-meet mo pa ang needs niyong mag-ina.
What’s done is done. Parehas kayong nagkasala sa bawat isa. Move forward and start doing what is right for the future of your kids. Instead of you being vindictive and filing a case, work your ass off, para kumita ka para sa anak mo. Masarap sa pakiramdam na kaya mong buhayin ang sarili mo at anak mo ng mag-isa, although it still your husband’s duty na magbigay kahit pano para sa isang anak niya na naiwan sa’yo. But come to think of it, you both entered marriage na parehas kayong hindi handa. So, stand on your own two feet and be mature enough to handle your responsibility as a mother to your child. Nag-iisa lang ‘yang naiwan sa’yo, kahit sa pagtitinda ng banana cue at turon mabubuhay mo ‘yan. Do I still need to tell you, ang daming business opportunity din sa mga direct selling company na meron tayo dito sa bansa natin? Tama na ang pa-victim, ate… bangon na, haba na ng tulog mo.
-
COMMENTS















