Find someone like you
X

CHLOE'S INBOX

Find someone like you

May 27, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---FIND-SOMEONE-LIKE-YOU

    Dear DJ Chloe,

    Sa Pinas pa lang fave na namin station niyo. Ang gaganda kasi ng songs palagi. Ang sarap magreminisce. Anyway, sana mapansin mo ‘tong letter ko and please sana walang makaalam ng totoo kong identity. Please hide my identity. Gulong-gulo na utak ko, DJ Chloe. Alam ko ‘yung mga sagot pero wala akong lakas ng loob. I’m dating a married man, pero more than a year na silang hiwalay. They have kids. Ang nagloko si babae. Nagstart love story namin ni guy four (4) years ago nang magkatrabaho kami. Naging close, labasan ng hinanaing sa trabaho, sa buhay. Kasama tumawa, masaya bonding namin as frends noon ksi nagj-jive kami. Nagstart kaming maging close ng nagkkwento siya sa’kin about sa misis niya. By the way, pare-pareho kaming nasa abroad. After a year sumunod si lalaki sa abroad base sa kwento niya kakakasal lang nila nu’ng time na sumunod si lalaki dito. Kasi may gusto siyang imbestigahan. Gusto niyang malaman kung nagloloko ang asawa niya. So lumipas ‘yung mga araw, buwan niya dito may mga ebidensya siya na, yes, ‘yung misis niya may iba. Pero hindi niya kayang harapin. Hanggang sa kakaopen niya sa’kin nahulog na siya sa’kin at ganoon din ako. In short, nagkaron kami ng relasyon, after ilang months nalaman ng misis. Inaway ako. Umistop kami pero si lalaki hndi pa din tumitigil na i-chat-chat ako. DJ Chloe, alam ko mahal ako ni lalaki. Ramdam ko. Kaya namin magsama sa kama ng hindi nagse-sex. Hindi libog. Masaya siya sa’kin. Sabi niya siguro nag-aantayan na lang sila kung sino unang susuko or baka dahil may mga anak sila kaya ganon. So ayun nga, on and off relationship namin until 2017 we decided na stop na talaga. Tumigil ako, tumigil siya. So okay na. Moved on na ‘ko sa kanya hanggang sa nagkaboyfriend ako ng 2017. 2017 na birthday ko bigla siyang nagmessage, happy birthday daw. Since na okay naman na ‘ko at may boyfriend naman na ‘ko and we became friends, walang dating samin na magkita, nagkita kami sa isang coffee shop. As tropa tawanan ulit, kamustahan hanggang sa kinamusta ko married life niya. Nu’ng una nahihiya pa siyang sabihin. Hanggang sa inamin niya na ilang buwan na siyang hindi inuuwian ng babae. Nalungkot at nsakatan ako, DJ Chloe sa nalaman ko. Naiinis ako sa babae kasi bakit dati nilalaban nu’ng babae pero iiwan din pala niya. 2018 nagkakalabuan kami ng boyfriend ko, siya naman ang sandalan ko. Sinsamahan niya ‘ko magpuyat at tumambay sa labas. Siya katu-katulong ko paglumilipat ako ng bahay. Hanggang sa tuluyan na kami nagbreak ng boyfriend ko. After ng ilang months naging kami ni lalaki. Nu’ng una, sinasama-sama niya ‘ko sa bahay nila nu’ng babae doon ako ntutulog. Kilala ko na roomates nila, pero bigla na lang nagstop. Hindi na niya ‘ko sinasama sa bahay nila kasi sabi niya legal pa rin sila sa papel. Okay, fine. Siya na lang nagpupunta sa bahay ko, natutulog. Naniniwala naman ako na wala na silang pakialamanan eh. Naniniwala din ako na mahal niya ‘ko. Pero ang lakas ng pakiramdam ko na may hindrance. Ilang beses na din kami nagbreak ulit pero pilit niya ‘ko hinahanap at bumabalik sa’kin. One time, nu’ng naging okay kami ulit sabi ko sa kanya kami na lang ulit. Sabi niya gusto niya daw muna enjoy pagiging mag-isa niya. Pero mahalaga daw ako sa kanya. Sabi ko kung nakalutang tayo mas pipiliin ko na lang mag-isa, hanggang sa naging kami ulit. Ang pakiusap lang niya intindihin ko daw siya pag dating sa mga bata. Hndi daw niya kaya na magalit sa kanya ang mga bata. So eto ang latest, nagbakasyon siya sa Pinas, sumabay ‘yung misis. Obligasyon na lang daw sa mga bata kaya sila sabay umuwi. Okay, kahit napa-praning ako, inintindi ko. DJ Chloe, hindi ako nag-eexpect na every minute magkachat kami when he got there pero at least every day magpramdam siya. But I got disappointed, two (2) days pa lang siya don hindi na siya nagparamdam. Umabot ng 20 days hindi na siya nagmessage sa’kin. DJ Chloe, halos mapraning ako. Sa isip-isip ko akala ko ba walang sisira sa napag-usapan na “keep in touch” pero ang bilis. ‘Yung tipong triple ‘yung sakit kasi hindi ko alam kung ano ba ginagawa nila nu’ng babae kapag gabi na, hndi ko alam bakit ‘di siya nagme-message. Two (2) weeks ako umiiyak gabi-gabi. Halos mawalan na ‘ko ng gana pumasok, kumain, worst gumising. Nastress ako ng sobra. After ng 20 days nagmessage, sorry daw fully accessed daw ng mga bata sa phone niya at may guilt daw siyang nararamdaman at ‘di niya kayang magmessage kapag kasama niya mga bata. Prang hindi daw niya kaya maging unfaithful. Nag-i love you pa din naman siya. Pero binasa ko lang, hindi ako nagreply. DJ Chloe, gulong-gulo na ‘ko. Gusto ko na kumalas. Gusto ko na bigla na lang ‘di magparamdam sa kanya. Pero nasasaktan ako kapagnaiisip ko na iiwan ko siya at maiiwan siya mag-isa, na maiiwan na naman siya ulit. Na parang ang sama-sama ko kapag ganon ginawa ko. Na pakiramdam ko iniwan ko siya sa ere. Pero pano naman ako, DJ Chloe? Sakit na sakit na ‘ko. Traumatized. Walang assurance. Hindi alam kung kelan ulit ako at sa anong paraan ulit ako msasaktan niya. Though may mga plano na kami para sa’ming dalawa pero ang laki ng takot ko na pano kapag anytime bumalik ‘yung babae? To think na wala silang closure. Baka ngayon meron na. Kasi nagkaron na sila ng chance magkasama. Ewan. Pero ayoko na malaman ‘yung katotohanan. Ayoko na makarinig ng explanations from him. Basta ang gusto ko na lang is biglang mawala sa kanya. Kahit wala na din closure sa’min okay lang. Gusto ko lang ng peace of mind. Ayoko na sumugal, DJ Chloe. Tortured na ‘ko masyado. Ano po gagawin ko? Tama bang bigla na lang ako mawala sa kanya or should I talk to him pero ayoko talaga. ‘Yun lang naman kinakagulo ng isip ko ‘yung mararamdaman niya at ‘yung gagawin ko. The rest pinaubaya ko na kay God at sa tadhana. Please DJ Chloe, okau lang naman kahit hindi mo ipost ‘tong letter ko. Kahit private na lang ‘yung advice mo sa’kin kasi baka follower ka din nila obvious na sitwasyon namin ‘to. Kasi recently lang ‘tong mga nangyayari. Please tulungan mo ‘ko maliwanagan. Dying inside na ‘ko. Gusto ko na magkaron nga maayos na relasyon, dalaga ako at gusto ko din magka-anak at ikasal. God bless and more power!

    Lost Lady

    You know what, Lost Lady, You’ve been lost enough, why not try to find yourself this time? Dalaga ka pala eh at may asawa siya. So paanong maiiwan siyang mag-isa? Ikaw ang maiiwan mag-isa. Siya may pamilya na pwede niyang aysuin pa at uwian, na tingin ko ginagawa niya na. Sad to say, ikaw, nandyan ka lang when he needed someone to talk to and to be with but the truth is hindi niyan kaya na mawala sa kanya ang asawa niya at mga anak niya. Sobrang haba ng problemang sinulat mo pero simple lang ang solusyon, palayain mo ang sarili mo sa mga sarili mong iniisip. Ikaw lang ang nagwo-worry, ikaw lang ang may concern sa relasyon niyo. May pamilya siya, hindi ikaw ang uunahin niya. Mga anak niya. So please, no closure is already closure. He is married, you are single, find someone single like you. Stop complicating your life.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.