CHLOE'S INBOX
Let the pain make you and not break you
May 30, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Good morning. I’m your avid listener at isa din ako sa mga nagko-comment and nagbibigay ng advice sa mga letter sender. Magulo ‘yung isip ko kasi hindi ko alam what should I do, kung tama ba ‘yung desisyon ko. I am married. My husband was an OFW and last year umuwi siya dahil nagkaroon kami ng problema. He had an affair at in fairness ang tapang ng kabit, mas matapang pa sa’kin. So kinausap ko siya kung gusto niya ‘yan panindigan niya. Pero of course, hindi para magpakatanga ako at pumayag sa ganyang setup. After two (2) months mula ng malaman ko, he came back at nagkaayos kami. I got pregnant and it is our first baby. To be honest DJ Chloe, hindi pa ko nakakarecover, may mga araw pa rin na naaalala ko ‘yung ginawa nila sa’kin. Na walang araw na dumaan na ‘di ko naiisip ‘yung ginawa nila sa’kin. Naaawa ako sa sarili ko at sa magiging anak ko kasi baka hindi ako maging perfect na ina sa kanya. Ngayon, he decided to go abroad uli. Mahirap kasi ang buhay. Pinayagan ko siya. Siguro iniisip mo ang tanga ko. Pero ‘di ba kahit anong tali ang gawin natin, kung manloloko ‘yan eh talagang gagawin niya ‘yan. If he’ll do it once at hindi magbabago eh wala na akong magagawa doon. Hindi ko na problema kung makitid ang utak niya at malandi siya. Siguro naman kung sakaling iwan niya ako kaya ko naman buhayin ang isang anak ko. Sanay naman ako sa hirap. Oo, masakit pero kung hindi para sa’yo hindi para sa’yo. Grabe ‘no, wala pa man pero nandun na ‘ko sa possibility na mangyayari ‘yun. Nakakatrauma kasi, nakakawala ng tiwala. Bahala na si Lord, alam ko naman na ‘di Niya kami pababayaan. Thank you DJ sa pagbasa ng sulat ko.
Fen
Hi Fen,
Try to not stress about it kasi buntis ka. And based on my experience, maapektuhan ang bata talaga kapag lagi kang stressed out habang pinagbubuntis mo siya. Focus muna on your baby, eat healthy and of course ‘wag magmiss ng prenatal checkups. Read books, it will be good for your baby. You are right, kahit talian mo ‘yan, if magloloko ‘yan, gagawin niya ‘yan. I know it’s hard but try to act and live like it never happened, which means don’t nag him about it. The mere fact you are still together, it means you gave him another chance, and that’s not a bad thing, everybody deserves a second chance naman eh, why not? Asawa mo naman ‘yan. Since you agreed na mag-abroad siya, is there a way na diretso sa’yo ang sahod niya? Demand na dapat mapunta sa’yo atleast a large percentage of his salary, lalo’t buntis ka. Mahirap ang sitwasyon mo kasi talagang praning ka na niyan lagi. But believe me, once na lumabas ang anak mo at lumabas na rin sa’yo ang maternal instinct mo, mawala na ang asawa mo, ‘wag lang ang anak mo. And yes, you are right hindi kayo pababayaang mag-ina ng nasa taas.
-
COMMENTS















