CHLOE'S INBOX
Marriage is not a license to rape
June 6, 2019
-


Good morning po DJ Chloe,
Avid listener and silent reader niyo po ako and gusting-gusto ko po ‘yung mga advices niyo. I’m 24 years old. Married with three (3) kids. Nine (9) months na po akong housewife since nagmaternity leave ako. Hindi na ‘ko nakabalik ulit sa work dahil wala na po mag-aalaga sa baby ko. I had postpartum depression dahil sa hirap, sakit at s’yempre nanibago ako na ako ‘yung nag-aalaga sa mga anak ko. Mas prefer ko talagang nagwo-work kesa sa bahay. But then I have no choice. My husband has a regular work. Above minimum pero madalas kinukulang pa rin. Simula ng nanganak ako nawalan na ko ng gana sa “making love” time na madalas niyang kinagagalit. Of course, pag nauwi siya ako ‘yung tipikal na maghahain ng pagkain, mag-aasikaso, etc. Pero pagdating sa intimate time, ayoko na. Lagi ko sinasabi na last na ‘yung baby namin kasi grabe na ‘yung pinagdaanan kong hirap simula nu’ng nagkasakit ‘tong bunso namin and on-going pa rin ang mga medications. Wala na ata ‘kong time para maging asawa. Minsan napagbubuhatan niya ‘ko ng kamay kapag tumatanggi ako. And ends up dun siya sa sofa natutulog or minsan dun sa mga kapatid niya siya nauwi. Madalas sinasabi niya na wala daw akong kwentang asawa. Mali ba ‘ko, DJ Chloe? Na ‘yun focus ko is sa mga anak namin? Tingin niyo po ba na-fall out of love na ko sa partner ko? Masakit isipin na maghihiwalay kami sa mababaw na dahilan.
Heart
Hi Heart,
At 24, sana nagpaparty ka pa. At 24, you’re supposed to be enjoying your own money, travelling, working and aiming to be promoted. What happened dear at nagkasunod-sunod ang mga bata?
Anyway, andyan na ‘yan. At ngayon mo pa talaga iispin na makipaghiwalay? You know, ang mga lalaki very physical. They usually express themselves that way. Even when they’re stressed or going thru something, physical pa rin sila. Big deal ‘yan pag tinanggihan mo. I totally understand where you’re coming from. Tatlo anak, may health condition ang isa, nasa bahay ka lang na dati sanay kang nagta-trabaho at kumikita. May trabaho naman ang asawa pero kinukulang pa din, nakakaloka talaga ‘yan. ‘Di lang nakakaloka, nakakalosyang din.
Kailangan niyo lang mag-usap na mag-asawa, explain mo sa kanya ang side mo, usap lang katapat niyan. Ginawa niyo pareho ‘yang mga bata na ‘yan, pagtulungan niyong alagaan at palakihin, lalo na ‘yung nangangailangan ng dobleng atensyon dahil may kundisyon.
Tingin ko naman maiintindihan ka ng asawa mo, ipaintindi mo. See, that’s the challenge for us women, making husbands think and feel they are in charge.
By the way, hindi acceptable ang manakit siya dahil ayaw mo. Pwede kang pumunta sa women’s desk. ‘Wag mong sanayin at ‘wag kang papayag na sinasaktan ka. ‘Yan ang ikakafall out of love mo, actually.
Just because you’re married to him doesn’t give him the right to force you when you don’t want to. If he forces you, that’s marital rape.
-
COMMENTS















