The advantage of your marriage
X

CHLOE'S INBOX

The advantage of your marriage

June 10, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---THE-ADVANTAGE-OF-YOUR-MARRIAGE

    Hi DJ Chloe,

    Good day!! I’m one of your avid listeners. Gusto ko lang po humingi ng advice sa’yo, DJ Chloe. I’m 31 years old, may asawa at dalawang anak, parehong lalaki.13 years old at three (3) years old. May problema ako sa asawa ko, DJ Chloe. Gusto niyang humingi ng space. Lately kasi madalas kami mag-away kahit sa maliit na bagay lang… hindi kami nagkakaintindihan. Feeling ko din na-fall out of love na siya kasi cold na siya sa’kin. Hindi na siya malambing katulad ng dati. Kinausap ko siya ng maayos at tinanong kung ano bang nangyayari sa’ming dalawa. Ang sabi lang niya mahal pa naman niya ‘ko pero hindi na katulad ng dati, hindi na niya ‘ko ganun kamahal. Kahit masakit payag naman ako sa hinihingi niyang space, ang problema ko kasi ang gusto niya dito pa din siya sa bahay namin uuwi kasi ayaw niyang malayo sa mga bata at wala pa siyang ibang mapupuntahan. Pero mahirap ‘yun para sa’kin, DJ Chloe. Alam ko naman eventually maghihiwalay din kami ng tuluyan kaya bakit kailangan pang patagalin, hangga’t maaari ayoko na siya Makita kaso paano ‘yung mga anak namin at kasal kami. Alam kong malabo ‘yung gusto kong mangyari kasi may mga anak kami, magkikita at magkikita pa rin talaga kami. Paano ‘ko makakamove on kung nakikita ko pa din siya at nakakasama sa bahay? Torture ‘to para sa’kin, nakakalungkot isipin na sa dami ng pinagdaanan namin ganun lang kadali sa kanya kalimutan ‘yung lahat. Sobrang sakit po, DJ Chloe. Iniisip ko nga po sana isang umaga paggising ko hindi ko na siya mahal para maging madali na lang sa’kin tanggapin ang lahat. Gusto ko na lang po magpatuloy sa buhay ko mag-isa kasama ang mga anak ko. Ano bang dapat kong gawin? Please sana mabigyan niyo po ako ng advice na maliliwanagan ang isipan ko kasi gulong-gulo po ako ngayon. Thanks po and God bless.

    Miss Fheb

    Hi Fheb,

    ‘Yung asawa mo medyo tuliro . Well since “asawa” mo ‘yan, hindi mo pwedeng basta sukuan ‘yan unless ayaw mo na din, I mean the feeling is mutual. Fall out of love siya sa’yo, ikaw din fall out of love na sa kanya.

    Pero pwede ba ‘yun? Hindi ba dapat, you work it out together since married kayo kasi hindi naman pwedeng araw-araw eh honeymoon period, ‘di ba?

    I think burn out happens but you don’t let it get the better of your marriage.

    Kaya nga ‘yang love na ‘yan, it needs a lot of working out in a marriage because there will be a lot of times na ‘yung kasama mo eh hindi ganun ka lovable sa paningin mo, if you know what I mean.

    So since asawa mo ‘yan, intindihin mo, and subukan mong alamin bakit siya nafo-fall out of love sa’yo. You need an acceptable reason kamo, dahil hindi kayo magboyfriend, okay? Mag-asawa kayo at may mga anak kayo.

    So exhaust all efforts…as in exhaust all efforts. Pwede mong pagbigyan na diyan muna siya habang hinahanap niya ang sarili niya sa loob ng bahay niyo dahil baka nawawala, sana makasalubong niya nang maging normal na ulit siya.

    While he’s there, still be a wife, treat him well. Cook for him, look “good” for him…baka kailangan mo lang akitin ulit .

    Now, if everything fails at decided siya na ayaw niya na sa’yo, tell him to leave, politely. That’s the price he has to pay kamo for wanting to be out of the marriage. ‘Di p’wedeng gusto niya lang kaya dapat diyan pa rin siya kahit ayaw niya na sa’yo. May consequence ang lahat ng choices sa buhay.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.