When in doubt, choose the children
X

CHLOE'S INBOX

When in doubt, choose the children

June 12, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-IN-DOUBT-CHOOSE-THE-KIDS

    DJ Chloe,

    Ang gulo-gulo ng isip ko ngayon. Nasa estado ako na hindi ko malaman panong paninimbang ang gagawin. Kakastart ko lang po sa work na malayo sa amin. Sobrang ganda po ng company, ng compensation, ng environment. Ang problema dahil nga malayo siya inconvenient ang uwian. Bukod sa magastos, wala pa akong tulog dahil nauubos oras ko sa byahe. I would end up sabaw and very sleepy during working hours. So, my husband suggested na dun muna ako magstay sa work. Since may tulugan, may shower, may free drinks at coffee. At first okay ako. Hanggang sa nararamdaman ko nahihirapan ako labanan ‘yung stress ng nature of work at namimiss ko ang anak ko. One thing pa na inaalala ko is ‘yung way ng pag-aalaga ng asawa ko sa anak ko. Okay naman siya, as in, he’s so good at maintaining the house. Parang baliktad kami eh. Siya ‘yung maayos sa bahay at sa budget kaya nasa kanya ang ATM. I willingly surrendered kasi naniniwala ako na ang importante kung anong mas magwo-work na set up sa’min. Magaling siya maghawak ng pera. Never ko naramdaman na wala sa’kin ATM ko kasi mini-make sure niya na hindi din naman ako nakukulangan kahit na nagtitipid kami. Kaso ‘yun nga. Ayun nga lang sa sobrang positive niya feeling ko nagiging naive na siya na parang hindi niya alam na may masasamang tao na nag-eexist sa mundo. Lagi namin pinagtatalunan na ‘wag niya hayaan ang anak namin sa labas na mag-isa at naglalaro. Habang siya nasa loob ng bahay, naglalaba, naglilinis or naglalaro sa phone. Btw, ang anak namin ay batang babae po na three (3) years old lang. One time 7pm na ng gabi nasa labas pa ang anak ko. Although nandun din siya. Ayoko makalakihan ng anak ko na ganung oras na nasa kalsada pa. Ang mga kapit-bahay na parang mga kapamilya na din of course, hindi naman pababayaan if makikita. Pero the thing is hindi naman sa kanilang obligasyon ang anak namin. Ilang beses ko sinasabi, what if may mangyari sa anak namin na ‘di niya naagapan dahil nasa loob siya. Kasalanan ba ng kalaro o ng nanay ng kalaro? Eh three (3) years old pa lang anak namin? Sobrang nakakadagdag sa stress ko. Pinag-usapan na namin. Oo, naman siya. Pero inaabot ko pa din siyang nasa loob ng bahay habang ang anak niya kung wala sa kalsada, nasa kabilang bahay. Wala akong masasabi sa asawa ko. Nilalapit niya kami kay Lord. He’s trying his best to be a better person. Binitawan niya na ang yosi at ang alak bihirang-bihira na lang. Pero ang OA ko ba para mabother ng ganito dito sa nag-iisang issue kong ito sa kanya? Parang gusto ko na lang na ako na lang muna sa bahay at siya na lang magwork. Kasi ‘di ko alam panong kausap gagawin ko. I suggested things na ang kalaro na lang papasukin sa bahay kung hindi niya kayang bantayan sa labas at may kailangan siya gawin. Ayaw niya dahil makalat daw ang mga kalaro at kung ano-ano napapakialaman. Like what? Mas importante pa ‘yun kesa masiguro niyang safe ang anak niya. Five (5) days a week akong nasa work. Naiistress ako kakaisip. May tulay malapit sa bahay namin. What if magkatulakan ang mga bata doon. Sa news kabi-kabila ang mga batang biglang mawawala. Sabi ko sa kanya, sabi ni Lord take care of the possible and trust God with the impossible. Ang sa’kin lang puro trust God na lang siya. He would go on like ilagay ko din naman daw sa isip kong anak niya ‘yun at mahal niya din ‘yun. Pababayaan daw naman ba niya. Haist. Ewan ko na. Naiistress ako at dahil nga pag nag-oopen ako sa kanya eh hindi kami nagtutugma. Napapaiyak na lang ako sa mama ko na ikinatampo naman niya dahil dapat daw sa’min palang tapos na ‘yun. But when I tried to open up, he goes like, “’yun lang iniiyakan mo?” Sa sobrang strong niya hindi niya napapansin minamaliit niya na struggles ko. Ngayon po I tried to resign. Kaso pinagre-render po ako ng one month. Pwede naman po iwan-iwan sa mama ko ang anak ko kaya lang hindi din po matututukan since ang mama ko po ay may negosyo ding inaasikaso. Hindi ko na po alam. Kung pababayaan ko ba na masira na ‘yung huling ugnayan ko sa current job ko dahil gusting-gusto ko makabalik sa tabi ng anak ko. My boss told me I was not thinking long term at mamimiss ko daw ang magandang chance sa work na ‘yun. But how can I do that if I’m always worrying about my child. Willing naman po ang asawa ko na magwork na siya kung gusto ko na alagaan ang anak namin. ‘Yun nga lang sa umpisa sakripisyo dahil hahanap pa siya work magre-requirements at maghihintay ng unang sahod. Na alam naman natin hindi naman napakadali at bilis na proseso. Naguguluhan po ako hindi ko malaman alin ang uunahin ko. Hays. Please enlighten me po. And please hide my identity.

    Confused Mom

    Hi Confused Mom,

    You really cannot have it all .

    Tama ang Boss mo, sayang ang oportunity. I also told you ‘wag na muna magresign, and exhaust all efforts to keep your job.

    Tama ka, babae ang anak mo, at kabi-kabila ang news sa mga batang nawawala, na momolestiya ng kapit-bahay, and who knows what else.

    You know ideally, ikaw ang dapat na nag-aalaga sa kanya. If your husband says he can do it, then LET HIM FIND A JOB to sustain your family while you take care of your child.

    Ramdam ko sa sulat mo kung gaano ka kastressed and frustrated sa sitwasyon mo….let it go. You can always find a job, but you cannot replace your child and her childhood. Time will come, she will grow up and you’ll have all the time to find another job.

    There are online jobs you know, laptop, at internet lang kailangan mo. I have friends earning 40k a month with online a jobs.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.