You don't give your all to someone
X

CHLOE'S INBOX

You don’t give your all to someone

June 18, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---YOU-DON'T-GIVE-YOUR-ALL-IN-A-MAN

    Good day, DJ Chloe!

    Medyo long story ‘to, I hope na mabasa niyo po. I really need your advice.

    Single mom po ako with two (2) kids. ‘Yung father ng kids ko, so currently working sa ibang bansa. Wala na po kami since my first pregnancy kaso nasundan pa dahil sinubukan ko pa din ayusin, sinubukan na maging buo kami at mahalin niya ulit ako. Halos magmakaawa na ‘ko. Kahit pa harap-harapan niya ‘kong nababastoa dahil marami siyang girls na text ng text sa kanya. Maraming photos and sex videos sa phone niya and laptop. Tiniis ko lahat ‘yun, nagbakasakali na maging okay pa pero wala na talaga. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako na wala ng kahit anong nararamdaman.

    At eto, nagtry na mag mahal muli. Siya si MJ. Nakilala ko siya sa isang dating app last January. Naging kami din agad. Nagkita after a week. Una pa lang nagsabi na ako agad sa kanya about my past. Tinanggap niya naman ako. Wala daw sa kanya ‘yun. Dahil ang mahalaga mahal siya. Nagkwento rin siya about sa past niya, na niloko siya ng “ex” niya, na nasa ibang bansa nagwo-work, nagbuntis at foreigner ang anak. Last May pa daw po sila wala, nagbigay siya ng chance sa girl pero hindi niya daw talaga kaya. So ayun, ang smooth ng relationship namin, nagkikita three (3) times a week after work, dinner date lang. Then every Sunday sinasama niya ‘ko magsimba, halos lahat na ata ng simbahan sa Maynila napuntahan na namin. May surprise pa nu’ng Valentine’s day. He even bought me t-shirts and sandals. Well, ganun din naman ako sa kanya, sobrang maeffort, na kung naging lalaki lang ako sobrang matutuwa ‘yung magiging girlfriend ko. Ang saya-saya lang namin. Though meron akong ibang nararamdaman. Instinct about sa “ex” niya. Lalo na nung ini-add niya ‘ko sa Facebook, naka “In a relationship” kami. Nagpost ako sa timeline niya pero ni isa walang comment or like. So nagtaka ako. Hanggang sa sinabi niya na hinack daw ng “ex” niya ‘yun. Hinayaan ko lang pero nandun pa din ‘yung doubt. Hanggang sa last April nagbago ang lahat, na may something. Tapos lagi ko nakikita online ‘yung Facebook. Since friend ko si best friend niya, nagview ako sa Facebook nun and nakita ko na may post siya na nakatag sa best friend niya. Kinonfront ko siya at ayun. Ibinigay niya ‘yung password. Sa activity log agad ako tumingin, nakita ko na kakadelete niya lang sa friend list yung “ex” niya. Hinanap ko convo nila. Last May 2018 pa pero ang seen in February 2019 so may deleted na convo. I asked him. Wala lang daw ‘yun. Nagtanong ulit ako kung sila pa. Wala na daw. ‘Wag ko na rin daw imessage si girl kasi tahimik na daw ‘yun sa buhay. Hindi ako nakuntento. Nagmessage ako sa girl three (3) days after. Halos hindi ko siya macontact nagtaka ako, hanggang sa nagmessage siya bakit ko daw minessage ‘yung girl. Galit na galit siya to think na ang sabi ko pa lang sa girl is kung okay lang na mag-ask. ‘Yun pa lang halos makipagbreak siya. And ‘di ko napigil sarili ko, nagmessage ulit ako sa girl. Tinanong ko kung sila, ang sagot sa’kin is kung ano ‘yung sinabi ni boy ‘yun daw ‘yun. Ang saya. Pinagpasahan ako ng sagot. Binalewala ko ‘yun. Halos maghiwalay na talaga kami pero inayos ko pa din. Binalewala ‘yun. Hanggang sa one night, pumunta ako sa kanila, ayun, nahuli ko naman na may mga kachat. As in. Nabigla din siya. Pinatawad ko siya. I gave him another chance. Hanggang sa okay na ulit. Last month lang, so ex naman ang nanggulo. Nagmessage sa’kin. Pero I decided na ‘wag na replyan. Pero tawag ng tawag kay boyfriend. Kaya minessage ko ulit. At ‘yun, nalaman ko lahat ng kasinungalingan. Sila pa pala. Gumulo lalo dahil buntis ako. At mas gumulo dahil hindi daw siya ang tatay pero kikilanin niya. Sabi pa ng nanay niya is ipa-DNA test daw. DJ Chloe, sobrang sakit sa’kin ‘yun. Okay lang sana kung wala talagang nangyayari samin eh. Okay lang sana kung once a month or twice a month eh. Eh hindi eh. Halos lahat ginawa ko for him. ‘Yung effort sa family niya, sa kanya, ni hindi ko ipinaramdam sa kanya na wala akong time for him. Ang dami kong plans lalo na paalis na rin ako next year. Nurse nga po pala ako. And eto po, kagabi lang nagbleeding ako. Nagmessage ako sa kanya, sa buong family niya, sa bestfriend niya pero wala eh. Wala ni isa sa kanila ang sumagot. Sobrang down na down na talaga ako ngayon. Hindi pa alam dito sa bahay ‘yung situation ko. Mga friends ko lang. DJ, sana po mabasa niyo ‘to. Thanks po.

    Nurse E

    Hi Nurse E,

    Well, what can I say, nagmahal ka. Sobra-sobra nga lang, that you didn’t leave anything for yourself anymore. Girl, tama na. Why do you keep begging for love? If a person loves you, you don’t need to fight for a spot. One more thing, nurse ka, ‘di ba? Hindi ba pwedeng magmahal ng hindi buntis ng buntis? Tatlo na ‘yan girl, and sorry to say, two of your kids are both unwanted by their fathers, ikaw na lang ang meron sila. Walang mawawala sa’yo if you will devote your life now to your children. Ang lalaki iiwan ka, ang anak mo hindi. Tama na girl, ako napagod sa’yo eh. Let your family know about your pregnancy again, pamilya mo sila, makakarinig ka pero tatanggapin ka pa rin at sasambutin ka nila. If that boyfriend of yours won’t acknowledge the child, so be it. Siya naman mag dadala niyan. Just raise your kids and focus on them and for now, tigilan muna ang mga lalaki. Kung ayaw ka nilang mahalin pwes mahalin mo sarili mo ng bonggang-bongga. You can’t go wrong with that.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.