CHLOE'S INBOX
It’s up to you!
June 27, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Lagi akong nakikinig sa 96.3 Easy Rock lalo na pagtanghali. Nagmessage ako, DJ Chloe, kasi ‘yung husband ko nagloko noong 2012 nagsimula, three (3) times. Mga anak ko nakakakita sa kanya may kausap sa cellphone dati. Tinatago niya cellphone niya kasi sa tuwing tumatawag siya ay lumalayo siya hangang pati pinsan ko ay nakita rin siya may kasamang babae sa mall. Noong unang nalaman ko nasaktan ako ng sobra, halos palayasin niya ‘ko noong unti-unti ko na siyang nabuko. Kung nakamamatay lang siguro ang mura namatay na ‘ko dahil sa mga masasakit na salita niya sa’kin. Ilang beses na rin kami umalis ng mga anak ko pero lagi niya kaming sinusundan dahil ayaw ko masira pag-aaral mga anak ko. Napipilitan na lang akong umuwi para sa mga anak ko. Nangako siya ‘di na niya uulitin at wala na rin daw ako maririnig na mga masasakit na salita sa kanya. Kaya binigyan ko pa rin siya ng chance pero two (2) weeks lang ganon na naman siya. Nagtitiis pa rin ako ‘til now para sa dalaway kong anak. DJ Chloe, ngayon may cellphone siya ulit. Minsan naiwan niya cellphone niya nagmessage ako sa kumpare namin para sabihing may naghahanap sa kanya pero ‘di ko akalain na babae pala may ari ng number na minessage ko. Akala ko sa kumpare namin kasi ‘yun ‘yung nakapangalan sa number. ‘Yun pala ‘yung ex-girlfriend niya nong binata pa siya. So ibig sabihin may communication sila noong ex-girlfriend niya, may asawa na rin. Pareho lang kaming kasal. Minsan din habang naliligo siya nakalapag cellphone niya tinignan ko kasi may message sa outbox niya at nabasa ko naklagay, “wait lang, mahal.” Napaisip ako pero hanggang ngayon ayaw niya pa rin umaming may babae siya. Pero lagi siyang lumalabas pag may tinatawagan siya. Lumalayo siya, hindi ko na lang pinapansin dahil mula noong nagloko siya unti-unting nawala ang pagmamahal ko sa husband ko. DJ Chloe, gusto ko na makipaghiwalay sa kanya pero ‘di ko pa magawa dahil ‘di pa tapos dalawang anak ko sa pag-aaral. Gusto ko kung lalayo ako nakatapos na dalawang anak ko sa pag-aaral. Sa ngayon, second year college na panganay ko at grade 11 naman bunso ko. Gusto ko sana humingi ng payo sa inyo, DJ Chloe, kung tama ba iwanan ko na siya kasi sobra na. Hindi na rin ako masaya sa pagsasama namin, kinausap ko na rin mga anak ko tungkol dito. Sana DJ Chloe, mabasa niyo message ko. Maraming salamat. Tawagin niyo na lang akong May.
Hi May,
I am not in the position to tell you na iwanan mo na ‘yan. Asawa mo yan eh, and even if I tell you to leave him, it’s you who will have to make the decision and will eventually face the consequence of whatever decision you make. ‘Yang mga lumalayo kapag may kausap sa phone, heavily locked with password and phone, classic example ‘yan ng mga may something. I couldn’t blame you if nawawala na ang pagmamahal mo sa kanya, nakakawala nga naman ‘yan ng respeto at pagtingin ‘yan. But since you are married to him, you have to exhaust all efforts para sa marriage niyo. Talk to him once and for all and tell him na buking na buking mo na siya kahit anong pagtatanggi niya, gather all your evidences and present it to him. Bigyan mo ng ultimatum, then pag wala pa ring pagbabago, then decide, totohanin mo ang ultimatum mo. Kasi kung hindi, kahit kailan ‘di ka seseryosohin niyan. Kaya ‘yan paulit-ulit kang ginaganyan kasi patawad ka ng patawad. Now, kung aantayin mo na matapos muna ang mga anak mo, eh mag aantay ka pa ng matagal tagal… susunod nyan, aantayin mo magkatrabaho sila, susunod niyan aantayin mo magka-asawa at sariling pamilya. Well, it’s all up to you. One thing you can never bring back is lost time. Kung ‘di ka na masaya, why stay? Kelan ka aalis? Pag losyang ka na sa kapangitan dahil sa kunsumisyon? But well, it’s your decision. Basta ‘wag kang aalis nang ‘di mo kinakausap at ‘di mo binibigyan ng isa pang pagkakataon. Ingat lang, by the way, babaero eh, baka magkasakit ka.
-
COMMENTS















