Splurge if you have the means to
X

CHLOE'S INBOX

Splurge if you have the means to

July 2, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---SPLURGE-IF-YOU-HAVE-THE-MEANS-TO

    Dear DJ Chloe,

    Sobrang avid listener po ako ng Easy Rock at follower mo. Gusto ko din po sanang humingi sa inyo ng payo and please itago mo po ang real identity ko para na rin sa mga anak ko. I’m 45 years old at may tatlong anak. May problem is nalulong sa bisyo ang mister ko. Nabaon kami sa utang hanggang sa napilitan siyang umalis sa work niya para mabayaran lahat ng mga nakautangan. Ang sakit-sakit, DJ Chloe. Kasi ‘yung pinaghirapan niya nauwi lang sa wala. Pinatawad ko siya dahil nangako siya na ‘di na niya babalikan ‘yung bisyo niya pero binalikan na naman niya pero ayaw niya umamin. Hinihiling niya na pagtiwalaan ko lang siya. Pero ‘yung pagdududa at mga katibayan na nakita ko ang nagsasabi na nagsisinungaling na naman siya. Gusto ko na siyang hiwalayan dahil para sa’kin parang hopeless na kung patuloy lang siya sa bisyo at pagsisinungaling niya naaawa ako sa mga anak ko kasi naaapektuhan na sila, pinipilit niya ako na bigyan ko pa siya ng last na last na chance magbabago na daw siya sa harap mismo ng mga anak niya siya na nangako. ‘Di ako makapag-isip ng tama, DJ Chloe. Masyado kasi akong nasasaktan sa mga nangyayari ‘di naman siya talaga nagbibisyo kahit na sigarilyo o alak kaya nanlumo ako na sa Casino pa siya nalulong. ‘Di naman kami mayaman para magsugal siya. Ano po mainam kong gawin labis kasi akong naguguluhan every time na may sasabihin siya parang napakahirap ko na siyang paniwalaan. Lagi ko siyang nababara sa salita niya. Lagi niya tuloy sinasabi na paulit-ulit ko na lang sinasabi o pinapaalala ‘yung mga bagay na tapos na pero masisisi niya ba ako kung paulit-ulit ko sa kanya ipaalala ‘yung pagkakamali niya dahil nanghihinayang ako sa mga nawala na dapat para sa mga anak na namin napunta. Pasensya na po kung medyo magulo ang message ko.

    Hi Mrs!!

    Your husband is sick. It’s an addiction. And he needs help. Kaya lang malaki ang gastusan din sa rehab ng ganyan. Marriage is that one thing that will remind you to exhaust all your efforts in helping him na malampasan niya ‘to at magbago. First thing to do, have him banned in all Casinos. Alam ko pwede ‘yan. Second, give him an ultimatum, that if he ever set foot in any Casino, e-games, sabungan, and whatever na may sugalan, iiwan mo na siya. And DO IT because if his family is important to him, he will do everything to change. 45 ka na, ma’am. Five (5) years more 50 ka na. Would you like to waste your time waiting for him to change? It’s all up to you, ma’am. I can only give an opinion but believe me when I say I know exactly what you’re going through.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.