CHLOE'S INBOX
Sometimes for you to know, you have to take a risk
July 2, 2019
-


Hi DJ Chloe!
Ako po ay kabilang sa Generation Z o kung tinatawag batang henerasyon pero gustong gusto ko makinig sa station niyo lalo kapag working hours. Itago niyo po ako sa pangalan na JJ, 21 years old. Ako po ay nagta-trabaho as HR staff. Ang mga workmates ko po ay puro oldies. Range 40-60. Kaya naman po ay wala naman akong close sa kanila at lagi lang ako mag-isa. Ngunit meron po akong manager na 37 years old. May mga oras na nag-uusap kami sa isang chatting app about sa update ng mga report ko sa kanya dahil ang working area niya ay malayo sa working area ko. Ang bait niya po sa’kin sa chat kapag nag-uusap at lagi akong minomotivate. Sabi niya pa sa akin ay kapag wala daw akong makausap ay p’wede ko po daw siyang i-chat para kausapin. Babae nga po pala ang manager ko. ‘Di naman po kami parati nag-uusap pero para kasing na fa-fall ako sa pagtrato niya sa’kin. Pareho din po kami ng natapos na kurso kaya mas lalong nagiging swak ang ugali namin. Aamin po kaya ako sa nararamdaman ko? Hindi ko po kasi alam kung tama itong nararamdaman ko. Ang bata ko masyado para sa edad niya pero ramdam ko ‘yung pagiging matured niya na mas lalo kong hinahangaan. Ano po kaya ang gagawin ko, DJ Chloe? Aamin po ba ako o itatago na lang ang akin nararamdaman. Salamat po.
Hi JJ!!
Wala naman masama sa nararamdaman mo para sa kanya. Now as to telling her or not about it, well, if okay lang sa’yo na i-risk ang friendship niyo then tell her. Kasi dalawa lang naman ‘yan, either the feeling is mutual or not. One more thing, kung okay lang sa office niyo ang office romance then go ahead, ‘yan ay kung okay lang sa’yo na makita siya lagi lalo if hindi magwork out relationship niyo. Siguro, play it by ear muna.
-
COMMENTS















