Life is a matter of choice
X

CHLOE'S INBOX

Life is a matter of choice

July 3, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---LIFE-IS-A-MATTER-OF-CHOICE

    Good morning DJ Chloe,

    Lagi po ako nagbabasa ng inbox mo. Just want to share my story naman. Pa-shoutout na din kay kuya. Alam ko nagbabasa siya nito.

    I met a guy po who older is than me. Palagi kami nagkakasabay sa UV tuwing umaga pagpasok sa work, hanggang sa nagkakakwentuhan then every weekends nakakasabay ko din sa pagjogging. Pero walang kibuan tipong hindi kami magkakilala dahil kasama niya anak niya at ako with friends. Days, months, na nagkakasabay kami at hindi ko namamalayan nahuhulog na ‘ko sa kanya. Pinipigilan ko dahil pamilyadong tao siya. I never pictured myself na papatol sa may asawa. One day hiningi niya number ko then ako si gaga bigay naman dahil nakagaanan ko na din ng loob. Weeks later I received a message from unknown number. Si Kuya na pala ‘yun. “KUYA” ang tawag ko sa kanya.

    To make story short, nainlove ako ng tuluyan kay Kuya. Lalo na nang may mangyari na samin. I didn’t feel the same way, nor he doesn’t love me back.

    Ilang beses nang may nangyari sa’min in two (2) years, nobody knows about us.

    I know the fact na ito ‘yung relasyon na hindi mo pwede ipagyabang. Until I found out that I am pregnant. Sinabi ko naman sa kanya agad at excited siya. He is always asking me if okay lang ba ako o kami ni baby. S’yempre dagdag kilig. Nagkakausap lang kami every working days or hours kasi pag-uwi niya no phone calls and texts na.

    T*nga ko, ‘di ba? I was the one who said na I will never ask anything in return or guluhin ang buhay niya at pamilya niya even ‘tong dinadala ko, hindi ko ipashoulder sa kanya. Dahil alam ko ang sakit na naidulot ko lalo sa wife niya kahit hindi niya alam.

    February, na-assign ako sa Singapore. Pinadala ako ng company for two (2) months. Keep in touch ang sabi ni Kuya pero parang bula siyang naglaho. I tried to call him many times but I failed. Buwan ang lumipas nawalan na ‘ko ng pag-asa. Hanggang makabalik na ‘ko dito sa Pinas.

    April 15, nakita ko siya muli sa may kalayuan with his family. Hindi na ‘ko nag-attempt pang magpakita.

    Noong una umiiyak ako but I came to realize na ito ‘yung consequence na pinasok ko kaya magdusa ka. Ginugol ko ang oras ko sa trabaho para hindi ko siya maiisip but I’m longing pa rin.
    I am seven months pregnant now. Nagkasabay kami ulit sa UV, 4:30am. Nagkagulatan sa ‘di inaasahan. Sabay sabi niya sa’kin, “nawala ang number mo.” Hindi na’ko nagrespond sa sinabi niya bagkus bumaba na lang ako at sumakay sa iba. Kahit gusting-gusto ko siya makausap at makatabi. Tama na siguro makita niya ang dinadala ko kahit paminsan-minsan hinahanap at iniisip ko pa din siya.

    To you Kuya, you are my ideal man, my great love story and favorite sin. Mamahalin ko ang baby natin higit pa sa pagmamahal ko sa’yo. Salamat.

    Ellie

    Hi Ellie!!

    I soooo admire you for your maturity. Some women would be doing a lot of drama, maghahabol at kung ano-ano pa ang gagawin. But you, may dignidad ka, may delicadeza ka. You know for a fact na hindi lang siya ang may gusto nito but you were also a willing partner, so it is but fitting to spare the wife from the heartache. Magkaka-anak ka na, be wise this time. Know that whatever decisions you make in the future, may anak kang dapat isaalang-alang PALAGI. May karapatan ang bata sa ama niya at karapatan niyang kilalanin, pero sa tamang panahon. For now, focus on your pregnancy, get all the support you can get from your family and friends. That child in your womb will give you the direction you need in your life.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.