Know what's yours and protect it
X

CHLOE'S INBOX

Know what’s yours and protect it

July 7, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---KNOW-WHAT'S-YOURS

    Hi DJ Chloe,

    I’m a single mom, also I have two (2) kids. Nakarelate po ako sa love life sa Inbox mo ngayon. Nais ko lang din po humingi ng payo kasi medyo naguguluhan na rin po ako sa sitwasyon ko ngayon. Ako po ay may kinakasama ng 10 years na ngayon. Pareho po kaming balo at siya ay may apat na anak na may mga asawa nang lahat. At ako naman may dalawang anak na dalaga’t binata pa pero parehong may mga trabaho na sila. Sa loob ng 10 years na magkasama kami nkapagpundar na kami ng bangka, bahay at lupa kung saan kami nakatira ngayon. Ang problema ‘yung isang anak niya na manganganak pa lang noon ay pinatira ko dito sa bhay na ito kasi delikado sa kanya ‘yung dati niyang tinitirahan. Kaso lumipas ang ilang buwan narinig ko sa anak niya na wala daw akong karapatan sa bahay na ito na kami mismo ng tatay niya ang nagpundar dahil hindi daw kami kasal? Within 10 years kami magkasama, kaming dalawa nagpundar tapos wala akong karapantan? Tama po ba ‘yun? Pangalan namin dalawa ang nakalagay sa kasulatan. Tama po ba ‘yung wala akong karapatan? Sana mapayuhan mo ako, DJ Chloe. Thanks and God bless po.

    Hi po!!

    Parehas kayo balo, na-obtain naman siguro properties ninyo with your joint efforts and you can prove it I’m sure, right? No one is still married, so presumably parehas kayong may karapatan sa ano mang napundar ninyong dalawa. Sabihin mo din diyan sa anak niya na wala din karapatan ang tatay niya sa napundar ninyong dalawa ng ama niya dahil hindi kayo kasal, ibalik mo sa kanya. Ask for legal advice, protect yourself and protect what you have worked for. Grabe naman ‘yan, ginawan mo na ng maganda ‘yan pa babalik sa’yo? Tao nga naman.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.