CHLOE'S INBOX
Moms can always do it
July 17, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Isa ako sa avid fans mo. I love Easy Rock. Kahit saan ako magpunta I love listening to your station. Itago mo na lang ako sa name na Rica, I’m 55 years old, my problem is my daughter. Baka mabigyan mo ako ng advice. Ganito ‘yun. Nu’ng five (5) years old pa lang siya ay naghiwalay kami ng papa niya kasi sobrang babaero at manyakis (alam kong may pamilya sa Pampanga ang papa niya pero pumatol ako, at that time I’m 27 years old. At that time kasi nagrerebelde ako sa una kong asawa dahil iniwan kami para sa ibang babae. Habang lumalaki siya, ako lang talaga ang nagsikap at nagsacrifice sa lahat ng anak ko. Two (2) sons from previous marriage at two (2) daughters sa papa niya. Wala naman problema sa lahat ng mga kapatid niya, napalaki ko namang mabubuting tao. Bukod tangi lang siya. Okay naman siya. Nag-aral at nakatapos ng college. Ang problema DJ Chloe ay ang pakikipagrelasyon niya sa iba’t-ibang lalake. Alam ko ‘di na siya virgin at age of 16. Nalaman ko ‘yan sa isa sa mga naging boyfriend niya. Ngayon sya ay 26 years old, wala siyang seryosong karelasyon. Up to the extent na pati driver ko ay pinapatulan niya, meaning jino-jowa niya. Masasabi kong isa kami sa kinikilala dito sa subdivision namin kasi nga isa rin kaming masasabing may kaya dito. Pag kinakausap ko siya, gusto daw niyang hanapin ang sarili niya. Inaaya ko siyang magpatingin sa isang psychiatrist, pero ayaw naman niya. Hanggang sa two (2) times na niyang ginawa na patulan ang driver namin at the same time meron pa siyang boyfriend. Minsan naiisip ko, baka namana niya ang pagiging manyakis ng papa niya (kasi ‘yung papa niya, pati katulong ginagapang) kaya hiniwalayan ko. Bakit ganun, DJ Chloe? Desente naman ang pamilya namin, may-kaya kami, nakatapos siya ng BS Psychology, maganda naman siya. Bakit binibigyan niya kami ng kahihiyan? Sa ngayon pinalayas ko siya. Ewan ko kung nasaan siya ngayon, sobrang galit ako. Kasi wala akong ginawang masama or tinurong masama sa mga anak ko. Puro pagmamahal ang binigay ko sa kanilang lahat kahit ako lang ang nagpalaki at nagsacrifice sa kanilang apat. Sa ngayon, bilang ina ayoko siyang makita. Kung ginagawa niyang cheap ang sarili niya wala akong magagawa dahil malaki na siya at ‘di ko kontrolado ang utak niya. Sana mabigyan mo ako ng payo, DJ Chloe. Kasi at the end of the day, anak ko pa rin siya. Ayoko siyang mapahamak. Salamat.
Hi Ma’am Rica,
May kilala ako, namatay ng maaga ‘yung nanay niya, apat (4) silang magkakapatid, siya ang bunso, her mom died when she was like four or five, I guess. At dahil maliit pa siya nang namatay ang nanay niya, siya ‘yung naligaw ng landas.
Naaawa ako sa kanya kasi nga maaga siyang nawalan ng ina, and there was no one to guide her. She had a rough childhood. That I can totally understand dahil nawalan ng ina.
One psychiatrist told me, sa mga pasyente niyang may clinical or major depression, hangga’t nandyan pa ang nanay nila to support them, that means marami pa silang gasolina sa buhay. “Basta’t nandyan ang nanay, kakayanin.”
You may have your reasons for letting her go but I am finding it hard to understand kasi nandyan ka pa para gabayan ang anak mo.
As a mother, I can say ang dami ko ng napagdaanan pagdating sa parenting, walang pwedeng magyabang sa atin, walang magaling na magulang. Lahat tayo work in progress.
I have been tested when one of my daughters got sick and was diagnosed with a special condition. Nakakapagod, pero kapag nakapagpahinga na ako, laban uli…nanay ako eh.
When my kids are growing up, patience ko naman ang hinaharness sa akin ng Panginoon. Ang term ko nga sa bunso ko, katumbas niya lima sa kulit niya. ?
Nu’ng kabataan ko ang kulit ko din, pasaway din ako sa magulang. Sabi nga ng isang kaibigan ng nanay ko palayasin na daw ako, hayaan na daw ako tutal matanda na ako.
You know what my mom said? “Hayaan ko na lang siyang pasaway, basta ang importante nakikita ko siya.”
Ngayon na magulang na din ako kahit gusto kong ibalik sa pinanggalingan nila ang mga anak ko pag ‘di kami minsan nagkakasundo, naiintindihan ko na ang mga magulang ko.
A friend once told me at tumatak ito sa isip ko, ang mga anak daw natin kapag hindi natin nagabayan at nailagay sa tama kasalanan daw ng magulang ‘yun.Children who needs love the most, will ask for it in the most unloving ways.
Your daughter needs psychological help, maaring may father issues. Maybe she feels rejected by her father, it needs to be addressed.
-
COMMENTS















