CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Your T.O.T.G.A. is already married
August 5, 2019
-


Hi DJ Chloe,
I want to greet you a great day today. Nahihiya po akong i-air ang name ko, so can you just hide my name as Charmaine Aquarius? I hope mapalubag mo man lang po ang loob ko kasi ang hirap-hirap ng feelings ko ngayon. Nahihirapan na ‘ko. Mas mahal ko kasi ‘yung taong naging best friend ko at naging boyfriend ko eventually sa trabaho ko noon sa kabila ng may asawa na ‘ko. Nakita ko kasi sa kanya ‘yung exact opposite sa ugali ng asawa ko. Alam ko rin naman po na mahal niya rin ako kasi ‘yung misis niya pilit na idina-down ang pagkatao niya kasi sa kanilang dalawa, misis po niya ang may regular na trabaho at malaki ang sweldo. Ngayon nang malaman ng mister ko ‘yung tungkol sa aming dalawa, pinapipili niya (ng asawa ko) ako kung ano gusto ko. Pinili ko s’yempre ang asawa ko alang-alang sa mga anak ko at para na rin sa akin. Kasi sa totoo lang wala na rin naman po ako talagang babalikan sa side ko dahil wala na po akong magulang at may sarili ng pamilya ang mga kamag-anak ko. Siguradong hindi nila ako pwedeng tanggapin sa knila para magstay. Wala na po akong trabaho ngayon. Tinanggap pa rin ako ng asawa ko pero sa totoo lang naghihirap ang feelings ko. Pakiramdam ko kasi wala na ‘kong kwentang tao. Umaasa na lang sa asawa. Tapos ang taong mahal na mahal ko, hindi ko naman po pwede makasama. Ano po ba ang pwede kong gawin para sa sarili ko? I hope matulungan niyo lang po ako sa situation ko ngayon. I know OA pero ang hirap lang po talaga ang pakiramdam ko. Hope you understand. Thanks for having time to read my message. Have a nice day and more power to your show.
Hoping,
Charmaine Aquarius
Hi Dear,
Since you’ve decided to choose your husband because of your kids, and your husband naman decided to forgive you, why not start from there? Kasi hindi ka makakaabante kung hindi ka talaga gagawa ng conscious effort na kalimutan the other guy and be grateful for your husband who have chosen to forgive you. You’re lucky may asawa ka na sinusuportahan ka, mukha namang okay na provider si husband. ‘Wag kang masyadong maniniwala dun sa isa na “pilit siyang idina-down kuno ng asawa niya” kasi walang lalaking gagawa ng katungakan na pupurihin ang asawa niya sa harap ng babaeng dini-diskartehan nya. Ginawa mo ang tama, do everything you can na patuloy na gawin ang tama. Wala ka namang lakas ng loob na panindigan kung ano talaga ang gusto mo eh, and that’s really not a bad thing kasi kailangan ka ng mga anak mo. Unless isasama mo sila pag-iniwan mo asawa mo, papayag ba asawa mo? If you feel na wala kang kwentang tao, well, buhay ka pa naman eh, may magagawa ka pa, may mababago ka pa. Start from where you are and with what you have. You’re lucky you still have your family, husband, and kids. Be busy with your kids. If you’re not working anymore, focus and devote all your time with them. Paggising pa lang sa umaga magluto ka na, ihanda mo na mga baon nila, be productive. Marami kang pwedeng maging negosyo o gawin kahit nasa bahay ka lang. ‘Wag mong ubusin ang time mo kakaisip sa akala mo eh TOTGA mo. Si TOTGA mo, may asawa na.
-
COMMENTS














