Chloe's Inbox - Every mom is best in their own ways
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Every mom is best in their own ways

August 9, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---EVERY-MOM-IS-BEST-IN-THEIR-OWN-WAYS

    Hello DJ Chloe,

    Gusto ko din po subukan manghingi ng advice sa inyo dahil ang galing niyo po talagang magbigay ng advice at susunod po ako sa kung ano man ang mapapayo niyo sa akin. First time ko po itong ginawa kaya itago niyo na lang po ako sa name na Super Mom. Ganito po kasi ‘yan, may trabaho po ako kaya lang hindi po ako masaya sa trabaho ko dahil ang mga kasama ko ay puro lalaki. Napagtutulungan ako, binubully nila ako at mga malalaswang salita ang mga naririnig ko sa halos araw-araw. Nakakapagod po ang trabaho ko para sa isang katulad ko na babae dahil ito po ay trabahong panlalaki. Hindi naman po ako nagbubuhat kaya lang sa halos araw-araw ng trabaho ko ay stressed ako physically dahil sobrang daming ginagawa at hatawan po talaga. And emotionally stressed pa dahil sa mga kasamahan kong lalaki sa trabaho na ang libangan ay mangbully at magsalita ng mga bad words, malalaswa, mga kabastusan.

    34 years old na po ako, may asawa, at isang anak po ako. ‘Yung asawa ko ay may trabaho din naman. Kaya lang po kapag nagsasabi ako sa kanya sa mga nangyayari sa akin sa trabaho ko ay sinasabi niya na huwag ko na lang daw pansinin. Feeling ko ay hindi po naaawa sa akin ang asawa ko at ayaw po niya ako magresign kaya po sumasama din ang loob ko sa kanya ng hindi niya alam. Tapos kapag gusto niya magtalik kami ay hindi ko siya napagbibigyan dahil pagod na ako sa maghapong trabaho. Masakit ang buong katawan ko at napupuyat pa ako sa gabi sa anak ko, DJ Chloe. Matagal na po kaming walang sex ng husband ko at nagagalit siya kapag ayoko.

    Ano po ba ang dapat kong gawin? Sundin ko ang sarili ko na sa bahay at alagaan ko na lang ang son ko na two (2) years old? Or sundin ko ang gusto ng husband ko na magstay ako sa work kahit na ako naman po talaga ay hirap na hirap na? Kung aalis naman po ako sa work ko, makasarili na po ba ako nun dahil kapag umalis ako sa work ko ay hindi na magiging malaki ang matutulong ko sa husband ko financially? Dahil po aasa na lang po ako sa isang online business na wala pong kasiguraduhan na kikita ako ng pera sa loob ng isang araw. Sana po ay matulungan niyo ako na makapagdesisyon ng tama. Maraming salamat po and more power to your station, Easy Rock.

    From Super Mom

     

    Hi Super Mom,

    If you’re not happy, really, and you can’t take it anymore—the bullying, the harassment… then leave. Maraming ibang trabaho na p’wede kang mapasukan ng hindi ka naman ginaganyan. Workplace bullying is real, and if you’re not strong enough ikaw ang bibigay. Kasi eventually, sakit ang aabutin mo kapag everyday stressed out ka sa mga ka-trabaho mo, at sa trabaho mo. There are a lot of home-based jobs and I’ve known some people who are into this and they are so far doing okay, kasama pa nila anak nila. You only need a Wi-Fi and a laptop.

    Online business is okay, tutok lang and make sure that you take pics of your product, of what you’re selling in just a way na mae-entice ang shoppers mo. Kami ni DJ Sam, madalas mag online shopping ha. Just be creative with your products and how you present and sell them and I’m sure may bibili at may bibili sa’yo. Wala namang bayad magsetup ng online business, ‘di ba? Take advantage of it. Hindi ka talaga kikita dahil umpisa pa lang nega ka na? How do you know na walang kasiguraduhan ang online business na gagawin mo? Naumpisahan mo na ba?

    Sabi mo super mom ka, then live up to what you claim to be. Paganahin ang utak kung paanong kikita ng pera sa sipag at tiyaga.

    Now, sa bedroom problems niyong mag-asawa, feeling ko kaya ‘di mo magampanan ang dapat mong magampanan bilang asawa dahil stressed ka at pagod na sa trabaho. Pag-uwi mo wala ka na talagang lakas niyan, eh ang mga lalaki hindi sila nauubusan ng lakas sa ganyan.

    So, if you leave that miserable work of yours for sure magiging okay ang intimacy niyong mag-asawa.

    I asked you how much kinikita mo, para sa akin, not worth it sa torture na inaabot mo.

    Setup mo muna online business mo, then pag-okay na…resign.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.