CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – When there’s too much on your plate
August 13, 2019
-


Hi po! Avid listener here since 2015. I hope you can give me words of wisdom. Ginamit ko lang po account ni partner, hehe. Ako po si Kyla, bread winner po ako ng family namin since ‘yung tatlo po naming naunang kapatid ay graduate na, may family, at may anak na. Nakakapagbigay-bigay naman din po sila sa’min minsan. Single mom po ‘yung nanay ko kaya kami na po talaga ang nagtaguyod sa dalawa ko pang kapatid na bunso. Pinag-aral po namin ni mama ‘yung isa ko pong kapatid hanggang siya ay nakagraduate na. Napag-usapan po namin ng kapatid ko na kami na ang magpapaaral sa pinakabunso namin. Special child po siya and sobrang late na po dahil teenager na siya. Mahal po kasi ng school at mga gamot niya kaya gusto po sana namin this time na magfocus na sa kanya since lahat po kami ay tapos na ng pag-aaral. Nagresign po ako dahil wala na pong growth at mababa padin po ang aking sahod kahit ako ay assistant manager na. Sumakto naman po na ooperahan ang nanay ko kaya ako na din po ang nag-alaga sa hospital. ‘Yung isang kapatid ko naman po sa bunso naming special child sa bahay.
After po operahan ni mama, habang naghahanap po ako ng trabaho nalaman ko pong buntis ako. Seven (7) years naman na po kami ni partner (may cyst po ako both ovaries kaya sinabi nadin naman po ni OB na need na po talaga mag conceive or else wala na pong chance dahil sa condition at edad ko. nagpa second opinion naman na po ako) 26 na po ako at si partner ay 23 na. Kakagraduate lang po, pero nakahanap naman na po ng trabaho. ‘Di na po ako naka-apply dahil pinagbedrest po ako hanggang six (6) months dahil tinutulak ng aking cyst pababa si baby na naging dahilan ng madalas kong bleeding. Maga din po ang aking kaliwang bahagi ng uterus at may incompetent cervix. Kaya ipit na ipit na po si baby. Sa dami po ng complication alam ko po na I should feel blessed kasi nakabuo pa po kami kahit papano. Pero DJ, feeling ko madami pa po akong gustong gawin. Gusto ko pa po pag-aralin ‘yung special child kong kapatid na tumatanda na din at ‘yung nanay ko na gusto ko din po bigyan ng magandang buhay. Sobrang naiiyak po ako pag nakikita na wala na kong magawa, feeling ko po pabigat na ko.
Gusto ko din po magfocus sa anak ko paglabas niya kaya baka hindi ko na po mabigay ‘yung magagandang bagay sa nanay at bunso kong kapatid. Sobrang lungkot ko po talaga. Siguro po kahit anong plano mo iba po talaga ‘yung ibibigay ng Lord. Hindi ko po maintindihan anong dapat maramdaman. Feeling ko po hindi pa ito ang perfect time na maging isang ina, kundi lang po talaga sa condition ko. I hope one day I can see ‘yung reasons at blessings ng Lord na na sa’kin. Sana po mabawasan niyo ‘yung stress ko, maraming salamat and God bless po.
Hi Girl!
One at a time. Mahirap ang maraming gustong mangyari, tapos hindi naman kayang gawin. For now, unahin mo muna ang sarili mo at ang dinadala mo. Magbuntis ka muna, ipanganak mo siya, then after a while, magtrabaho ulit. Nandyan na ‘yan eh.
And yes, you’re right, many are the plans in a man’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails. That’s why it’s important to always seek God’s hand in every situation.
Bata ka pa, you’re only 26, mahaba pa ang byahe mo at marami ka pang pwedeng gawin, sana lang ‘wag mong sundan agad ang baby mo.
So for now, enjoy your pregnancy, paglabas niyan panibago na naman haharapin mo. Aalagaan mo pa ‘yan at ‘di ka makakapagtrabaho ng walang mag-aalaga diyan ng full-time.
Tama ka, this is probably not the right time para maging ina ka, but what can you do? You already got yourself into it. So isipin mo na lang blessing ang bata, mas magakakaron ng direksyon ang buhay mo dahil sa kanya.
-
COMMENTS















