CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – We fail and we learn in life and love
August 15, 2019
-


Dear DJ Chloe,
Dahil sa araw-araw na pakikinig ko sa station niyo. Mas pinu-push ako na magshare ng story. Gustong-gusto ko kung paano ka mag-advice sa mga lisiners mo. Gusto ko lang share ‘yung nararamdaman ko, DJ Chloe. Totoo pala ang kasabihang “true love never dies.” May isa akong nagustuhang lalake. I met him when I was a caregiver in Makati. Actually, ‘yung bahay nila sa tapat lang mismo ng trabaho ko. Una ko siyang nakita, I’m 19 years old and siya naman ay 22. Last 2014 nang makilala ko siya. Kakaiba sa lahat ng nakilala kong mga lalake. Iba ‘yung dating niya. Sobrang bait niya po kasi, DJ Chloe. Lahat ng hinahanap ng isang babae sa isang guy ay nasa kanya na. So ini-stalk ko siya sa mga nakakakilala sa kanya. Ako kasi ‘yung tipo ng tao na ‘di mapakali pag ‘di ko nakukuha ang isang bagay. So gagawa at gagawa talga ako ng paraan. August 2014 nu’ng magkakilala kami sa isang party, kasama ko ‘yung friends ko. Then tinanong niya sa mga kaibigan ko bakit daw tahimik ako, then sabay tanong ng name ko. Tinitigan niya ako. Ako naman sa sobrang tense ko hindi ko maintindihan ‘yung nararamdaman ko. Inabot niya ‘yung kamay niya then nagpakilala sa’kin. ‘Di ko magawang makipagshake hands sa kanya kasi sobrang lamig ng mga kamay ko sa kaba. And nagulat ako sa sumunod na nangyari. Iniwan ako ng mga friends ko. So ako na lang ang natira, siya at ‘yung childhood friend niya. Nagulat ako sa sinabi ng friend niya. Sa sobrang kalasingan nalaman ko na may gusto din pala siya sa’kin. OMG, DJ Chloe, crush ako ng crush ko. Then simula nu’ng nangyari ‘yung gabi na ‘yun nagkaroon kami ng communication sa isa’t-isa. Hanggang tumagal ng isang taon ‘yung friendship namin. Minsan nagseselos ako kasi sobrang dami niyang friends na babae. ‘Di ko maiwasang mag-isip ng kung ano-anong nega na bagay. Feeling ko kasi sinasadya na lang niya na gawin kasi alam niyang may gusto ako sa kanya at alam ko rin na gusto niya ako. Hanggang merong nangyari sa’min. Hindi ko din kasi alam kasi parehas kaming nalasing. Sobrang nahiya ako sa nangyari, ilang araw akong hindi nagpakita sa kanya. Ilang araw akong ‘di nag-online and pag makikita ko siyang lalabas ng bahay agad akong pumapasok sa loob. Todo iwas talaga ako, DJ Chloe. Then one day he sent a message and apologized sa nangyari.
Hindi ko alam tingin ko kasi torpe siya. Malakas lang loob niya pag nakainom siya pero pag hindi dedma lang, parang hindi kami magkakilala. Alam kong may gusto siya sa’kin nafi-feel ko ‘yun kapag magkasama kami. Then I ask him kung ano ba talang relasyon meron kami. Then he said, “oo, gusto kita.” Kaso ang hirap ng sitwasyon namin panggabi kasi ang work niya. So sa araw tulog siya, ako gising. Ang hirap pagsabayin then tinutulungan niya pa mga kapatid niya sa mother side niya. Siya nagpapaaral so baka mauwi din sa breakup ‘yung relasyon namin dahil sa mga sitwasyon. Hanggang sa sobra akong nadepress, nagawa kong saktan ‘yung sarili ko. Naglaslas ako dahil sa isang lalakeng sobra kong minahal. Alam kong tanga ako sa point na ‘yun. Nagboyfriend ako para makalimutan ko siya. Alam kong nagseselos siya dahil makikita niya na pumupunta ‘yung boyfriend ko. Ano naman magagawa ko ni hindi ko alam kung anong status ng relationship namin. MU ganon. And last December 2016 last na pag-uusap namin sa reunion ng street namin sa Makati. Kinausap niya ako and nagpaalam ako na aalis na ‘ko sa trabaho ko at uuwi na ako sa pamilya ko sa Rizal. I asked him, kapag nawala ba ako hahanapin mo ‘ko? Ang sagot niya, “Oo, hahanapin kita kahit saan ka man.” ‘Yun ‘yung last naming pag-uusap. Nangako siya, mapagtapos lang niya kapatid niya. Lumipas ang ilang taon wala na kaming communication sa isa’t-isa. Binlock ko siya sa Facebook para makalimutan ko siya. And now balita lang sa’kin ng kuya niya na pinagpatuloy niya ‘yung pag-aaral niya ngayon as anHRM student in JRU. Alam ko naman na dream come true niya ‘yun, I’m happy from him and masaya na rin naman ako sa buhay ko ngayon. Sana marami makarelate sa shinare ko about special someone. Sa una ‘di pala lahat madali, hindi madali kalimutan ang nakaraan. Pero magsisilbi ‘yung aral para sa sarili mo. Lahat naman ng tao may pagkakamali sa buhay and nagpakatanga sa love. Natatawa na lang ako pag naalala ko lahat. Sana mapansin niyo ‘tong share ko, DJ Chloe. Itago niyo na lang ako sa pangalang Dayne.
Hi Dayne,
You know what, you’re not the only one who went through something like this. And I am glad that now you can just laugh at yourself for the things you’ve done.
Although I must tell you, what you did, hurting yourself is not good. What if you became successful? Eh di, wala ka na ngayon?
There are situations in our life that will somehow repeat. Uulit ‘yan ng uulit, hanggang maharap mo at malaman mo ang dapat at tamang gawin.
I wish you well.
-
COMMENTS















