CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Choose you before you choose them
August 19, 2019
-


Dear DJ Chloe,
I am avid an listener of your segment Chloe’s Inbox. Please hide my real name, gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko. Nagkakakilala kami ng boyfriend ko ngayon sa isang dating site and three (3) months na kaming may relasyon. We’re both single parents with two (2) kids, siya three (3) years ng hiwalay sa asawa at ako naman ay widower. At first, naawa ako sa kanya kasi bihira sa lalaki ang iwanan ng asawa, mostly mga lalaki ang nagloloko at doon nagsimula ang communication namin. One thing I admire most of him is napaka hands-on niya sa mga kids niya kaya naman nahulog ng husto ang loob ko to the point hanggang sa financial problem niya ako na ang sumasalo. The problem is one time nagka-instinct ako na may communication pa sila ng asawa niya, tinanong ko siya at umamin naman dahil daw sa mga bata. That time gusto ko ng umayaw, hindi na ako nakipag-usap sa kanya ‘till na puntahan niya ako sa office para makipag-usap. Binigyan ko siya ng isa pang chance kahit na napakasakit, DJ Chloe, sabi niya pinagbigyan niya lang daw ang mga bata na makasama sandali ang kanilang nanay. Nakaalis na ang ang asawa niya papuntang ibang bansa pero ‘di ko pa rin maalis ang magduda na may communication pa sila at naiisip ko na ginagamit niya lang ako habang wala ang asawa niya. Lagi niyang sinasabi sa akin na magtiwala sa kanya kahit konti lang at ipaglalaban niya ako kahit anong mangyari. Pero nandoon pa rin ang sakit at kutob ko, to the point na sobrang sakit na. Minsan hina-hide ko na lang siya sa messenger para lang ‘di ako magdoubt tuwing naka-online siya at hindi naman ako ang kausap niya, naisip ko na rin na i-block na lang siya ng tuluyan para ‘di na ako masaktan at mag-isip ng kung ano-ano. Hindi ko alam kung anong susundin ko ‘yung utak ko ba na hiwalayan na siya o ‘yung puso ko na masasaktan pagginawa ko ‘yun. Thank you for reading my story. God bless.
Yours truly,
Tanya
Hi Tanya!!
I’ll be straight with you. It would be best na ang nakukuha mo eh para na lang sa mga anak mo.
I understand, tinutulungan mo siya, pero hindi mo naman obligasyon ‘yan eh. There are people who will capitalize on their situation para kaawaan mo at s’yempre ang dulo niyan bibigyan mo, ‘di ba nga? Binibigyan mo na financially? Mabigat ‘yan, sis. Wala ng balikan pati ang mga ganyan and all the more it will come to a point na hindi na ‘yan pabigay-bigay lang, parang obligasyon mo na.
He has two (2) kids, may hang up sa ex. You think you deserve the stress you’re getting now?
If you can’t trust a person there is no use having them in your life.
You have other important things to attend to… like your own kids.
-
COMMENTS















