CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Change the things you can’t stand
August 22, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Please hide my identity. Tago niyo na lang po ako sa name na Miss J. I badly need an advice for my situation. Ganito po kasi ‘yun. I’m married with two (2) kids. My husband is a security guard. Way back 2018 nagkaron siya ng affair sa isang receptionist, same workplace. Wala po akong naging basehan kundi ang instinct ko. Nu’ng una, I confronted my husband about it and sabi niya may boyfriend si girl. Same with the girl when I confronted her too may boyfriend daw siya at nagsend pa siya ng picture with her boyfriend. Days passed lalo ko nafeel ‘yung coldness at pagbabago sa attitude ng husband ko. That time nagpapatayo kami ng bahay. Lagi kami may arguments regarding sa panggastos. ‘Di pa natapos ‘yung pagpapatayo ng house namin kasi po kinulang kami sa budget. That’s why I decided to work too. By September muli kami nag-usap and I confronted again him for our situation. And sabi niya, gusto niya mabuo ang bahay namin. Days passed, by October, na-confirm ko na totoo lahat ng instinct ko about him. He had an affair. Pero ‘di ko alam kung sino. I accidentally read the conversations betweem sa bayaw ko at sa byenan ko na nasa abroad. Sobrang sakit, DJ Chloe, to the point na feeling ko napagtulungan ako kasi alam na nila ‘yung situation ng asawa ko pero pinili nila itago sa’kin. Nabasa ko lahat dun ang totoo at dumating pa pala sa point na muntik na mabuntis si girl dahil na-delay ito. Sobrang bigat ng feeling ko that time, DJ Chloe. At wala ako nagawa kundi umiyak at magsalita ng against sa kanila, at nakita ng mga anak ko ‘yun. The other day nagdecide ako magfile ng case sa kanya pero wala akong valid evidence dahil kasal kami. 10 years married kaya ganun kalakas ‘yung loob ko to file a case laban sa kanya. Ang tanging nagawa ng DSWD is to send a subpoena sa kanya. Then after niya malaman ginawa ko umuwi siya. Pero never siya gumawa ng move na kausapin ako that time. Nu’ng nagkausap kami, heart to heart sinabi ko lahat ng nasa loob ko. Pero wala siyang imik, DJ Chloe. Nagpromise siya na hanggang December lang siya dun, kunin lang niya backpay niya, uwi na din siya ng Laguna. Pero ‘di ‘yun nangyari. Mas naging worst ‘yung relationship namin. ‘Di na kami nag-uusap sa phone. Nu’ng birthday ng anak ko, wala siyang paramdam. Umuuwi siya once a month tapos ‘di pa natatapos ang araw umaalis na din siya pabalik sa Manila. Sobrang binalewala niya kami, DJ Chloe, to the point na nandun pa kami sa puder niya. Ang sakit sobra. Pinilit kong maging strong to live a normal life na parang walang nangyayari.
Kahit both families namin alam ‘yung situation namin. December, nagpunta ako sa workplace niya at kinuha ko na lang ATM niya kaharap ang officer niya, na that time lingid sa kaalaman ko alam na pala lahat ng mga tao dun na may relasyon silang dalawa. Hindi ko alam DJ Chloe king saan ako nakakuha ng lakas ng loob para lumaban. Pero ‘yung taong pinaglalaban ko wala naman pakialam sa nararamdaman ko. By February, muli ako sumugod sa pinagtatrabahuhan niya at dun ko naconfront si girl. Nakita ko sila magkausap in a sweet way kaya sobrang nanggigigil ako sa galit. That time I proved already na siya talaga ‘yung “other woman” Bata pa siya, 21 that time. Maganda, sexy, may pinag-aralan din, at alam niya pamilyado asawa ko. Nu’ng nakausap ko ‘yung officer sabi daw ng girl desidido naman daw sa kanya ang asawa ko. Sinama ko pauwi ang asawa ko that time. Three (3) days kaming nagsama kasi birthday ng kapatid niya at last night nagkaron kami ng arguments. Na kahit kelan ‘di ko makakalimutan ‘yung mga binitawan niyang words sa’kin. Sabi niya, “ano pa bang kailangan mo? Lahat na ng pabor na sa’yo. Iniwan ko na ATM ko gisto mo pati t*** ko iwan ko.” Sobrang sakit, DJ Chloe, para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa pagkakatayo ko. Wala ako nagawa kundi umiyak at pagmasdan siyang lumalakad palayo sa’kin para lumuwas at puntahan ‘yung babae niya. After that night nagdecide na ako sumuko, ‘di ko na sila ginulo nu’ng babae niya. Hinayaan ko na siya. Hanggang nu’ng bakasyon umuwi siya. Madami siyang dalang gamit. Nagresign siya sa work at ako sinisisi niya. Muli kaming nagsama sa iisang bubong pero malamig pa kami sa yelo. Ni hindi kami nag-uusap. Hanggang sa nandun pa din ‘yung feeling na alam ko meron pa din sila ng babae niya dahil hindi niya kami magawang tabihan na mag-iina. Hanggang sa nagdecide na ako na kuhanin mga anak ko at dun na papsukin sa side ng family ko at ako nagwork na din ako dito sa manila. Nakikipagbalikan siya sa’kin, DJ Chloe. Pero ilang beses ko siya itinaboy kasi feeling ko gusto lang niya ng security. Alam ko na kahit makikipagbalikan siya sila pa din ng babae niya. Hindi niya ako tinantanan. Kasi iniwan na pala siya ng babae niya. Maybe may nahanap na bago kaya pinagpalit din siya. Sa haba ng kwento ko, isa lang po hinihingi ko sa nangyari sa’kin. Dapat pa po ba ako makipagbalikan sa asawa ko? Masyadong masakit ‘yung ginawa niya sa’min. Isang taon naging relasyon nila tapos ngayon babalik siya kasi iniwan siya. Hindi ko na alam DJ Chloe kung ano ang gagawin ko. Makasarili ba ako kung hindi na ako babalik sa kanya? O magforgive na lang ako para sa mga anak ko. Thanks po if mapublish niyo message ko na napakahaba. More power and God bless.
Lagi ko po kasi naiisip ‘yung ginawa niya sa’kin. Para anino na niya ‘yung babae niya at every time na mag-isa ako naiisip ko kung gaano sila kasaya noon ng babae niya tapos ako okay lang sa kanya na na sobrang bigat ng pakiramdam. Ngayon sabi niya sa’kin natukso lang siya pero sabi ko naman mahal niya talaga kasi kung ‘di siya iniwan ‘di siya babalik sa’min mag-iina. Sobrang naguguluhan ako, DJ Chloe.
Miss J,
Eto na naman tayo. Same old story. Nagloko ang asawa, hindi alam kung papatawarin, tatanggapin dahil sa mga anak. Mga anak na naman ang most convenient excuse.
Patawarin mo kung mahal mo at gusto mong bigyan ng pagkakataon na makabawi sa’yo at mabuo ang pamilya mo. First requirement should be because mahal mo at kaya mong patawarin at kalimutan ang mga ginawa niya sa’yo. Pinatawad mo nga araw-araw mo naman bubungangaan at ipapaalala ang kasalanan niya sa’yo. Wala rin.
Sa mga nangyari, mag-isip ka din, bakit nauwi sa ganun? May pagkukulang ba kayo sa bawat isa? If he is asking for a second chance, sit down and talk to him if you intend to forgive him, kailangan alam niya na may mga magbabago, una na diyan, he needs to earn your trust kaya ba niya?
Kung naguguluhan ka, ‘wag mong madaliin. Okay lang ‘yan, take your time. Mag-isip kang mabuti, at ‘wag mong gawing madali para sa kanya ang lahat.
If he really wants to fix things, magtya-tyaga ‘yan na amuin at suyuin ka.
Pero kung galit pa? ‘Wag ka ng mag-isip. You don’t need unlimited stress in your life.
Paganda ka ulit, trabaho ka. Believe me, kakayanin mong buhayin mag-isa mga anak mo, wala ka pang kunsumisyon.
Ngayon wasak ka lang. ‘Pag ‘yan pinatawad mo at umulit na naman, hindi ka lang mawawasak ulit, wala ng matitira sa’yo lalo sa self-esteem mo.
-
COMMENTS















