CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Everything in life has its timing
August 28, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Gusto ko lang i-share itong nararamdaman ko and somehow makakuha ng advice sa’yo. 28 years old na po ako. Middle child and unica hija. Broken family kami pero nakikita ko pa din naman ang father ko pag nagpupunta sa bahay. Ang kuya ko married na, with three (3) kids. Same sa bunso namin. Undergrad lang ako, DJ Chloe, and nag-umpisa ako talaga sa basic position ng company. Ngayon po isa na ko sa top management ng company. Ngayon po, bakit pakiramdam ko wala akong worth? Ang papa ko lagi niyang sinasabi, ang anak ni ganito, nasa ibang bansa na. Anak ng kumpare may bahay na. Nappressure po ako.
May mga plano din po ako sa buhay, tulad ng ituloy ang pag-aaral ko in the future. Nag-iipon pa po ako ngayon. Hindi ko pa kayang bitawan ang work ko dahil may mga responsibilities pa ako sa bahay. Iniisip ko din, 28 na ako pero bakit parang walang pinuntahan ang buhay ko. Dapat ba successful ka na pag 28 ka? Matagal na po nila akong gustong mag-abroad pero ‘di ko po kaya at okay naman po ako sa company ko ngayon. Lagi kong iniisip na sana mabigyan ko na ng maluwag na buhay ang pamilya ko, ang bunso kasi namin, may pamilya na pero hindi po maayos ang trabaho kaya hanggang ngayon inaalalayan pa din namin. Pangarap ko pa din sana makatapos at makapag board exam. Pero delay muna. Nagpapasalamat din ako sa boyfriend ko na sinusuportahan ako sa lahat ng bagay.
Cristine
Hi Cristine,
At 28, maganda na ang mga nagawa mo sa buhay mo. Ako nagkaron ng direksyon ang buhay ko, 38 na ako.
Nagkaron ng maayos na trabaho, 38. Nakabili kahit second hand na kotse at 40.
I hate attending batch reunions noon, naiinggit ako sa mga ka-batch ko na nag-Japan, nag-UK, nagkung saan-saan. Kasi ako nga-nga, nga-nga na takot pa mag-abroad.
We all have our own timelines at ang timeline na ito ay naayon sa plano ng Panginoon para sa atin. Now I understand why I did all the things I did in the past. Lahat ng ginawa ko, naging trabaho ko, God was preparing me for where He wanted me to be, where He would plant me, and where He planted me I grew, I flourished.
Do not listen to people. Only listen to God and daily ask Him for His leading. His time is not our time.
Do not please people, only please God. You are exactly, where you should be.
-
COMMENTS















