Chloe's Inbox - What you sow is what you reap
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – What you sow is what you reap

August 30, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHAT-YOU-SOW-IS-WHAT-YOU-REAP

    Hi DJ Chloe,

    Isa ‘ko sa masugid na sumusubaybay sa’yo sa radio. Please hide my identity. Just call me Mimi. Way back 2018 nagresign ako sa previous work ko sa isang malaking company. Nagsilbi ako doon ng anim (6) na taon. Nu’ng unang tatlo at kalahating taon ko doon ay napakasaya ko. Pano ba naman meron akong magandang trabaho, magandang sahod na masasabi kong sobra-sobra sa pamilya ko. At unti-unti, na kung dati’y nakikitira lang kami sa in-laws ko ay nakapagpatayo kami ng sarili naming bahay, nakabili ng mga kagamitan, nakabili ng van na pang business at motor na pang service namin mag-asawa sa trabaho, at higit sa lahat ay nadadala ko ang pamilya ko sa mga lugar na dati’y nakikita lang namin sa TV at internet. S’yempre hindi lang naman ‘yun ang nagustuhan ko sa previous work ko kundi ang bisor ko na maintindihin, maunawain, at mapagbigay.

    Sa pagtatapos ng ikatlong taon ko ay may inassign ang management na isang empleyado na masasabi kong sa tindig niya ay hindi siya basta itatalaga lang na tauhan o isa sa’ming mga staff ng departamentong kinabibilangan ko. At doon, doon nagtatapos ang masasaya naming oras at araw sa department namin. In-assign siya bilang head superior ng buong department. Sa mga unang anim na buwan niya bilang head ng buong department, nakikipagbiruan, nakikipagtawanan at pro-employee. Sabi ko pa nga noon, wala na ‘kong hahanapin pa na iba. Total package na ang company na napasukan ko. Pero DJ Chloe, sa umpisa lang pala.

    Habang tumatagal ay nakikita namin na pinasasabik lang pala niya kami na mga nasasakupan niya. Binawasan niya ang kita namin, lahat ng galaw namin ay dapat base sa gusto niya, dapat ganito, dapat ganyan (wala naman kaming tutol doon dahil trabaho niya ‘yun). Dumating pa nga sa point na ‘yung weekend na dapat ilaan namin sa aming pamilya eh pinapapasok niya kami. Take note, DJ Chloe, walang bayad. Dahil daw ang natatanging makakaavail lang daw ng no weekends ay ‘yung mga individual staff na nakaquota for the past whole month (pero s’yempre sabi nga nila hindi araw-araw ay pasko). In short ang pasok namin ay five (5) weekdays and 1 weekend for free plus free OT ang weekdays kapag hnd mo nameet ang quota mo for the day. Ilang beses na namin ipinakikiusap sa kanya pro sarado ang puso niya.

    Wala kami magawa kundi sumunod kasi ang sabi niya maluwag ang pinto, anytime pwede kami umalis. Kaya ang ginawa ko nagfocus na lang ako sa work, nagdoble kayod dahil sobra niyang binagsak ang kitaan namin that time. ‘Yung tipong from 2% down to 0.17% pero nagawa ko pa din maging top performer sa department namin kaya may yearly akong may award. At last DJ Chloe after six (6) years. Napagod na din ang katawang lupa at isip ko sa two and a half years na pinagtiisan ko, sa wakas, makakalaya na din ako s boss kong horror at toxic. Pero akala ko lang pala. Sa first year Kong natigil sa pagwo-work DJ Chloe hindi naging successful ang business ko kaya my husband and I decided na magwork ulit. Maraming nag-offer pero dahil kabisado ko na ang previous work ko, my nag-offer ng new opportunity. Same company pero different department. Natuwa naman ako kasi kahit papano kahit ibang department eh halos lahat sila ay kilala ko kaya pumayag na din ako na doon magwork kesa lalayo pa ‘ko. Bago ‘ko mag-apply at para magbigay galang sa dati kong head superior ay nagpaalam ako sa kanya. Nagpaalam ako sa kanya na mag-aaply ako ulit pero sa ibang department naman at kung okay lang ba sa kanya. Kasi kahit hindi ko namn sa kanya sabihin malalaman pa din naman niya dahil dadaan sa kanya ang recommendation form ko.

    Alam mo DJ Chloe, sobrang saya ko nang pumayag siya, okay lang daw at walang problema. Pero front lang pala niya ‘yun. Tumagal ang application ko sa HR ng one (1) month. Ang sabi kaya daw nagtagal ay dahil ninote-an ng dating head superior ang form ko ng not recommended. Nashock ako s’yempre. Hindi pa pala ‘yun DJ Chloe. Hindi pa siya nakuntento, nilagyan niya pa ng with character issue. Bigla akong natawa na naiyak. Naisip ko na lang sa six (6) years ba na binigay ko ang lahat ng kaya ko eto lang ang makukuha ko? Tapos naisip ko, if ever na sa iba ako nag-apply mare-reject na naman ba ko dahil sa kanya. DJ Chloe nasa punto ko ngaypn na gusto ko siya ireklamo dahil sa paninirang-puri niya sa’kin. Hindi na para sa work kundi para sa paninira niya sa six (6) years kong pagta-trabaho at top performer pa. Please help kasi two times na niya ginawa sa’kin. ‘Yung pang second ay sa affiliate ng company namin. Before that kinausap ko naman siya ng maayos. Kala ko settled na kami. Pero nalaman ko na ganun ulit ang ginawa niia. This time nilgyan naman niya ng with attitude problem. Feeling ko napahiya ako ng sobra-sobra.

    For the past six (6) years. Wala ako ni isang nareceive na I.R. (incident report) at wala naman talaga ibibigay dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginawa sa kanya na masama. Isa pa kung masama ang ugali ko edi po sana hindi ko nare-reach ang quota ko paminsan na 6M a month and hindi po ako bumababa ng 3M dahil ayaw niya. Ang masakit pa jan DJ Chloe pinirmahan niya ang certificate and clearance ko after ko magresign.

    Please DJ Chloe, help me. Salamat more power to you and to whole Easy Rock family.

    Hi Sis,

    You know there are really people who love to play god. Well the first thing you have to do, is to bring this battle before God. We should always pray for people who do us wrong, because I really believe God intervenes, and a sincere prayer of a person who loves God is never wasted. Ask Him to turn things around for you.

    So many times, we try so hard to fight head on, pero minsan ‘di natin naiisip, what is this situation telling me? What is God trying to teach me?

    Clearly, the person (former boss) is power tripping, sabi mo nga sa chat natin hindi lang ikaw ang ginawan niyan, marami kayo at lahat kayo hindi na nakapag trabaho.

    It is your right to ask for a written explanation backed by reports and details why he declared that you have a character issue, and that you have an attitude. May 201 file, ‘di ba? ask for it.

    I don’t think it is fair that a person, one person can just mess up your career and your future. Talk to a lawyer about this, a lawyer who can help you think straight and help you get the job you are applying for in the other department. It’s important you tell your lawyer ano ba ang aim mo? To fight head on, or to get employed?

    If you want to get employed in the other department then be careful not to severe ties with the company. A labor case is not always a good idea. Find ways to settle the matter in the safest way possible.

    I’m not sure kung p’wede ba nilang gawin talaga ‘yan na magdeclare lang ng ganyan ng walang basehan. Parang hindi naman (anyone from the HR DEPARTMENT? Please make a comment ?).

    This person is clearly a power tripper. Don’t worry, in time he will also get what he so deserves, and if you’re lucky, God will even let you watch.

    Time and again I have seen that. Life has a funny way of letting us feel and go through what we put others through.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.