Chloe's Inbox - Smaller but genuine group of friends
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Smaller but genuine group of friends

September 2, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---SMALL-BUT-GENUINE-CIRCLE-OF-FRIENDS

    Magandang araw po sa inyo, DJ Chloe.

    Itago niyo na lang po ako sa pangalang Peachy.

    Napatunayan kong hindi lahat ng mga katrabaho na nakasama mo ng matagal at itinuring na mga kapatid ay ganun din ang magiging turing sa’yo. Nagtrabaho po ako sa Manila at Makati, sa isang office, 2008, nagsimula ang aming pagkakaibigan na tinawag naming Tabby Soldiers. Naging magkakaibigan kami simula ng pumasok sila sa office na pinagtatrabahuhan ko. Simula noon, araw-araw na kaming magkasabay kumain, umuwi, gumala, manood ng sine at kung ano-ano pa, hanggang sa kahit magkaron na kami ng sari-sarili naming mga pamilya kami pa din ang magkasama. Umalis ako sa unang agency at nakiusap silang kung maganda ang lilipatan ko, kunin ko sila at ipasok din doon. Pinalad ako at nagkaro’n ng magandang posisyon sa agency na pinasukan ko, isa-isa ko silang tinawagan at ipinasok sa trabaho. Tumagal ang aming pagkakaibigan ng hanggang sampung taon, hanggang sa nagdecide akong gusto ko ng magresign dahil sa mga hindi magandang pangyayari sa office na iyon. Bago ako magresign, palagi namin pinag-uusapan ang mga pangit na pamamalakad at mga katiwalian ng mga namumuno, at gusto na din daw nilang umalis. Sabi ko, mauuna ako, nagplano na din silang sumunod sa pag-alis ko. Hanggang sa dumating na ang araw na kailangan ko ng lumabas ngunit hindi pa din maganda ang kinahinatnan ng pag-exit ko. Minadali ng mga boss ang paglabas ko na hindi na pinaabot sa effectivity ng resignation ko, dahil sa mga paninira ng mga taong sa palagay ko ay maraming inggit at galit sa akin pati sa mga kaibigan ko.

    Noong una, kumokontak sila sa’kin para magtanong tungkol sa mga naiwan kong trabaho, hanggang sa wala na akong nadinig mula sa kanila. Nangungumusta ako, pero parang walang gustong kumausap sa akin. Hindi ko alam kung bakit, iyon ang katanungan na hanggang ngayon ay dala-dala ko. Nagalit ako sa kanila, nagpost ako ng nagpost sa Facebook ng mga patama sa kanila, pero wala din naman nangyari, ako lang din ang nasaktan. Parang sa isang iglap, naiwan ako sa kawalan. Naiwan ako ng mga itinuring kong kaibigan at kapatid sa mahabang panahon. Iniwan ako ng mga walang utang na loob na tao na ako mismo ang nagpasok sa kanila sa trabaho, akong nagpautang kapag kapos na kapos sila, ultimo pangbayad ng kuryente pinahihiram ko sa kanila kahit pa gipit din ako. Lahat ng panunumbat gusto kong ibato sa kanila. Pakiramdam ko iniwan nila ako sa ere.

    Hindi ko maintindihan kung bakit sila naging cold pag-alis ko, hanggang sa isang araw, nalaman ko na pinapirma daw sila ng boss na putulin ang communication sa akin, ngunit ang ginawa nila, pinutol nila pati ang pagkakaibigan namin.

    Hindi na kami nag-usap, hindi na nila ako naalala. Parang ang saya-saya nila na nawala ako. In-unfollow ko sila lahat sa Facebook para hindi ko makita ang mga nangyayari at ginagawa nila, nasasaktan ako na parang walang kaibigan na umalis at wala silang namiss. Kung maari lang, pati ang pagiging ninang nila sa anak ko ay bawiin ko, tutal naman, peke silang lahat.

    Lumipas ang mahigit isang taon, eto ako, may sarili ng maliit na negosyo. Gusto kong magbawas ng bigat sa dibdib kahit papano, nagtry akong i-message sila sa Facebook pero naka-ignore ako. Meron akong nakausap na isa sa kanila at pinasabi kong basahin naman ang message ko dahil namimiss ko na sila at wala na sa akin ang nangyari, gusto ko ng kalimutan. Pero dinedma lang nila ako, hindi nila ako kinausap. Nasasaktan pa din ako ngayon kasi pilit ko mang kalimutan sila, namimiss ko ang pagkakaibigan namin na kinalimutan na nila. Pinatawad ko na sila, pero hindi ako makakalimot.

    Sana, dumating ang panahon na buksan nila ang puso nila at maisip ang mga magagandang pinagsamahan namin. Nandito pa din naman ako bilang isang kaibigan.

    Gusto ko man silang balewalain, pero hanggang sa panaginip ko, nandun sila lalo na ‘yung itinuring kong best friend.

    Magbi-birthday ang anak ko na inaanak nila this coming month, gusto ko silang i-invite, pero baka dedmahin lang nila pati ang bata. Wala din akong magagawa.

    Thank you, DJ Chloe. More power. God bless.

    Darling,

    One boss of mine told me that we are not here in the workplace to make friends. ‘Yan ang ‘wag na ‘wag niyong kakalimutan. If you happen to have one or two (2) good ones that you can trust that’s a bonus daw. But in the corporate world lagi mong tatandaan parang showbiz lang ‘yan, lahat acquaintance mo lang dapat. Kaibigan in the real sense of the word…hindi.

    People at work will always be watching their own backs, that’s normal.

    I hope you learned your lesson well with what happened to you, they have moved on and they are ok without you. You should be doing the same.

    Sabi nga, the less people you chill with, the less BS you deal with.

    Isa pa, there are millions of people in this world. If they don’t want to have anything to do with you, you can always find a new friend, okay? So, don’t complicate your life by thinking about people who don’t even think of you or don’t even bother to know if you’re still alive.

    Pray that you overcome the pain. There’s always a reason why things happen you know.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.