CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – When you pause, pray
September 3, 2019
-


Hi DJ Chloe,
I’m a mom. Nakailang sulat na ‘ko sa’yo, actually. Umiiyak ako ngayon. I feel worthless, I feel down, I have a family to turn to pero ayoko na muna silang guluhin kaya sumulat ako. Napapagod na kasi ako, DJ. Isa lang naman anak ko pero special needs ang kailangan niya kaya sobrang hirap. Pero sa kabila ng hirap ko parang hindi naman naappreciate ng asawa ko. Madalas na pinagmumulan ng away namin ‘yung naiiwanan kong gising ‘yung anak ko habang ako tulog pa. Or kapag ‘di ko agad maasikaso ‘yung bata. Minsan naman nagagalit din siya pag ‘di ko siya naaasikaso sa umaga. Pero madalang mangyari ‘yun. Hangga’t maaari pinipilit kong gawin lahat ng sabay. Parang octopus na nga minsan eh. Pero hindi niya pa rin nakikita ‘yung effort ko. Napapagod na ako, DJ. Minsan gusto ko ng sumuko. Alam ko namang mali ‘yun eh. Pero sa tulad kong napapagod na. Parang ‘yun na lang naisip kong way. Mahirap kalaban ang isip. Kayang-kaya ko ‘yung pagod ng katawan ko. Sana hindi bumigay ang isip ko. Paplay naman ng Sandra ni Barry Manilow, DJ.
Salamat,
Sad Mommy
Hi Sad Mommy,
Your feelings are valid. The good news, you are allowed to feel them, and you are allowed to take a break. Try to get your husband involved sa pag-aalaga at asikaso sa anak niyong may special needs. Tutal anak niya rin ‘yan. One day, iwanan mo sa kanya, go out and do groceries, para malaman niya ano ang mga ginagawa mo para pagkasyahin ang oras mo sa lahat ng ine-expect niya sa’yo.
Don’t feel bad so much about not being able to do everything perfectly, it’s okay not to do them perfectly.
Lahat tayo napapagod kaya kailangan magpahinga at hindi bawal magpahinga.
As a mother, you will find out how much extra energy you actually have na kahit pagod ka na—you still keep on going.
You can always get a lot of paid help, ask your husband to get someone to help you sa bahay, bayaran niya kamo. Take care of yourself dear, paano ang anak mo pag napagod pati ang isip mo? Ask yourself, what is this situation telling me? What do I need to learn?
Above all, ask God to give you the strength to carry on and to renew your strength every day. You’ll be amazed of how talking to Him can actually calm and relieve you.
-
COMMENTS















